Alden at Maine kinontrata na ng Asian TV

Ikinatuwa pala ng AlDub Nation nang malaman nilang patuloy na sinusuportahan ng Singapore-based television award giving body, ang Asian Television Awards (ATA) na tumututok din sa pilot telecast ng world premiere ng first teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours.

Hanggang ngayon, nakikita pa rin sa Twitter account nilang @AsianTVAwards na sumasali sila sa Twitter party ng teleserye gabi-gabi dahil sabay naman ang oras natin sa kanila.

Hindi pala ito ang first time na sinuportahan nila ang love team, kundi noon pa lamang nagsisimula ang kalye serye nila sa Eat Bulaga, at ang mga activities nina Alden at Maine tulad ng mga endorsements nila at ang “Tamang Panahon” held at the Philippine Arena noong October 24, 2015.

Kung matatandaan, December 2, 2016, ay kinuha nila si Alden para maging isa sa mga hosts ng 21st Asian TV Awards. 

Maraming naghanap noon kay Maine, kaya naman bago pa bumalik sa Pilipinas si Alden, may offer na sila sa kanila ni Maine na mag-host ng 22nd Asian TV Awards na magaganap sa December 1, 2017, sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Centre sa Singapore.

Kris nagpatali na sa GMA

Nanatiling loyal na Kapuso si Kris Bernal nang muli siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network. Isang homegrown talent si Kris simula pa nang manalo sila ni Aljur Abrenica sa Starstruck 4

Simula noon  ay marami nang magagandang projects na ibinigay sa kanya ang network, ang huli ay nang gumanap siyang isang 27-year old with a mind of a 7-year old sa Little Nanay.

Pumirma si Kris ng contract with the executives ng GMA Entertainment TV at GMA Artist Center.

Ngayon nga ay muling susubukin ang husay sa pag-arte ni Kris sa pagbibigay sa kanya ng remake ng Impostora kung saan gaganap siya in a dual role.

Nagsimula nang mag-taping si Kris ng Impostora na mapapanood sa afternoon prime ng GMA 7 soon, sa direksyon ni Albert Langitan.

 

Show comments