Kapamilya stars halos magkasakit dahil sa bagong show

Start na ang newest ABS-CBN reality show sa March 11, ang I Can Do That na kung saan ang mga host ay kilala na sa kanilang galing, sina Robi Domingo at Alex Gonzaga.

Dito itatampok ang walong CANdidates, na linggu-linggo ay maglalaban-laban at patutunayan kung ano ang kaya nilang gawin. Iba-iba ang ipapakita nilang talent at wala silang aatrasan na hamon. Dito sa nasabing reality show, magugulat kayo dahil sa kabila ng pagkakakilala sa kanila sa larangan ng akting ay may iba pa pala silang hidden talent na ang ilan ay halos magkasakit, masaktan, masugatan at iba pa.

Sa ilang araw pa lang na tey­ping ng I Can Do That  ay hindi pa naman sila sumusuko.

Candidates sa said program sina Arci Muñoz, Cristine Reyes, Pokwang, Wacky, Kiray, Sue Ramirez, JC Santos, Daniel Matsunaga, at Gab Valenciano.

Sino kaya sa walo ang tatanghaling I CANdidates? Sino rin kaya sa kanila ang unang malalagasan ng ngipin at buhok?

Daniel puro katawan lang!

Napansin namin na matagal na rin naman sa local showbiz itong si Daniel Matsunaga pero hindi pa rin siya magkapagsalita ng straight Tagalog o sa puntong Tagalog na parang Pinoy na Pinoy ang dating. Ang ganda kaya ng wikang Pilipino. Banoy na Banoy.

Sa gandang lalaki na lang idinadaan ni Daniel. Hindi naman siguro masamang magpayo sa mga gustong mag-artista sa local movie at TV na pag-aralang mabuti ang pananalita ng Tagalog.

Magbasa ng libro, komiks, at newspapers na Tagalog para mabilis matuto. Guwapo kasi itong si Daniel, pero kapag nagsalita na ay waley! ‘Kakairita pakinggan.

Advice sa lahat ng mga foreigners na gustong pumasok sa showbiz Kapamilya, Kapuso, Kapatid network: Mag aral ng wikang Tagalog na hindi pilipit ang dila para hindi maging bano!

Gab inaayos na ang annulment

Halos four years din na naging Kapamilya talent si Gab Valenciano na isa sa mga anak ng famous singer at icon sa larangan ng musika, si Gary Valenciano at ang parang ate lang nina Gab, Paolo, at Keanna, si Angeli Pangilinan Valenciano.

Bakit namin nasabing ate ng mga anak? E, kasi parang hindi tumatanda. Wala pa noong anak si Angeli nang first time ko siyang ma-meet, aba noon at ngayon, after so many years, ‘yan pa rin ang hitsura ni Angeli.

For good na raw ang pag-stay ni Gab dito sa Pilipinas. Oo naman! Bukod sa showbiz career, makakatulong pa siya sa kanilang business at isa rito ang kanilang recording studio.

Nabanggit nga pala ni Gab na inaayos na ang annulment paper nila ng dati niyang misis.

Coco at Sandino magkapatid naman sa mata ng Diyos

Hindi raw po kapatid ni Coco Martin ang isang baguhang male starlet na kamakailan ay sinulat ko, si Sandino Martin. Napanood ko siya sa isang indie movie.

Ang galing niyang artista at mata niya ang umaarte.

Dahil humahanga, pinuri ko at sinulat ko, tinanong ko pa nga sa mga kasama kong nakapanood din kung sino ba si Sandino.

‘Yun nga ang sagot nila sa akin, younger brother daw ni Coco.

Ang galing huh! Ganyan kasi ako, kritiko, bukod sa writer kahit hindi ko kilala basta may K na sulatin ay sinusulat ko, at hindi ako payola girl!

Lumabas ang item sa column ko rito sa PM (Pang-Masa), tapos may nagsabi na ngang hindi kapatid ni Coco si Sandino.

Sorry po! Malaki kasi ang tiwala ko sa mga taong napagtanungan ko, sila po ang nagsabi sa akin, sila po ang tanga!

Sa bagay, ang tao kahit hindi magkadugo ay kapatid pa rin sa mata ng Diyos!

Pinatatawad ko na rin ‘yung mga taong tanga na nagpahamak sa akin. 

 

Show comments