Strike suportado ang kampanya laban sa droga

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng patuloy na suporta sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan at ni Pang. Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga, inilunsad sa Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Cong. Strike Revilla, kinatawan ng 2nd District ng Cavite, ang ‘Duterte Against Drugs’ nung ika-2 ng Marso, kaarawan mismo ng kongresista.

Bahagi ng programa ang pagkakaroon ng isang volleyball tournament kung saan nagtunggali ang ilang piling celebrities (Duterte Against Drugs Team) at mga empleyado ng City Hall (City of Bacoor Strikers).

Dumalo sa naturang pagtitipon sina City Mayor Lani Mercado-Revilla, Vice Mayor Karen Sarino-Evaristo at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Espesyal na panauhin din sina DILG Asst. Sec. Epimaco Densing III, Dangerous Drugs Board Sec. Benjamin Reyes, DOT Usec. Malou Japson, Cavite Gov. Boying Remulla, at Vice Gov. Ramon ‘Jolo’ Revilla III.

Tinatayang may 4,000 mamamayan ng Lungsod ng Bacoor ang sumaksi at nakiisa sa Duterte Against Drugs Launch and Volleyball Tournament na ginaganap sa Strike Gymnasium ng Bacoor Government Center (BGC).

Tumatayong chairman ng DAD si Mr. Dinky Doo Clarion, pangulo si Mr. Miguel Carbonell, at bahagi naman ng board of trustees si Cong. Strike.

 

Show comments