Handa at excited na si Toni Gonzaga-Soriano na sumabak sa project nila ni Piolo Pascual.
Iba-iba raw kasi ang effect sa kanya ng hunk actor. Hindi rin daw nagbabago ang karisma nito sa kanyang leading ladies.
Aminado ang TV host/actress sa isang interview na mas magiging palaban na rin siya sa kanilang intimate scenes.
Proud pa si Toni lalo na ngayong Mrs. Soriano na siya na mas marami at malalim ang paghuhugutan niya pagdating sa emosyon.
Nagkataon pa na walang restriction at cut-off ang kanyang asawang si Direk Paul Soriano na nakakaintindi ng kanyang trabaho.
Kaya game na game si Toni na alam niyang may baon siyang pagkukunan sa aktingan dahil mas may experience, at mature na siya.
Nagkataon pa na si Bb. Joyce Bernal ang kanilang direktor kung saan mas kampante sila ni Piolo. Tinitiyak nina Piolo at Toni na magiging maganda ang kanilang sisimulang pelikula na wala pang title.