Coco ginawang bangko ni Ronwaldo
Walang masasabing hindi maganda ang indie actor na si Ronwaldo Martin sa kanyang kuya na si Coco Martin dahil sa napakabait at sobrang generous daw nito sa kanila.
Bukod sa binigyan daw sila ng kanya-kanyang bahay, may kasama pa itong kotse na gagamitin niya.
Ang Kuya Coco rin daw niya ang humahawak ng mga kinikita niya sa indie films na ginagawa nito. Si Coco rin daw ang nagbukas ng savings account para sa kanya para magkaroon ito ng ipon sa bangko.
Pinagkakatiwala naman daw ito ni Ronwaldo sa kanyang kuya dahil aminadong waldas daw siya sa pera.
“Allowance lang po binibigay ni kuya sa akin. Kapag may kailangan ako, sinasabi ko po sa kanya at magbibigay siya ng pera na galing sa kanya. Hindi niya ito kukunin sa savings ko.
“Gusto ko rin po na siya ang humawak ng pera ko kasi waldas po ako, eh. Kapag nakantiyawan ako ng mga kaibigan ko, mabilis akong manlibre sa kanila.
“Sabi ni Kuya Coco, walang masama sa manlibre sa kaibigan, pero dapat may limit. Hindi raw kasi araw-araw Pasko. Kailangan maging maingat ako sa mga kinikita ko.
“Kaya ako na ang nagsabi kay kuya na siya na humawak ng mga talent fees ko para maipon siya,” ngiti pa niya.
Hindi na raw nagiging pasaway si Ronwaldo dahil alam niyang istrikto ang kanyang Kuya Coco. Grabe raw kung magalit ito.
“Noon kasi makulit ako. Pasaway ako noon kaya parati akong napapagalitan ni kuya.
“Ngayon at medyo nag-mature na po ako, hindi na ako napapagalitan ni kuya. Pinagsasabihan na lang niya ako na pangalagaan ko ang sarili ko kasi kilala na ako bilang artista.
“Yun naman ang gusto ko kay kuya. Kahit na sobrang busy siya at hindi namin siya madalas na makita, nagpapaalala pa rin siya sa amin through text messages.
“Hindi raw porke’t hindi namin siya nakikita ng madalas ay nakalimutan na niya kami,” diin pa niya.
Marami nang indie films na nagawa si Ronwaldo na napadala na sa iba’t ibang film festivals. Isa na rito ang Pamilya Ordinaryo na nanalo na ng maraming awards.
Ngayon ay kasama sa cast si Ronwaldo sa Sinag Maynila Film Festival entry na Bhoy Intsik kung saan bida si R.S. Francisco at mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
Gil sampung oras nag-marathon ng My Love…
Para mas maintindihan pa ng baguhang Kapuso actor na si Gil Cuerva ang kanyang role bilang si Mateo sa Philippine version ng hit Koreanovela na My Love From The Star, pinanood niya ang original Koreanovela nang tuluy-tuloy.
Ayon kay Gil, higit na sampung oras daw siyang nakatutok sa pagpanood ng My Love From The Star.
“May isang day na ten straight episodes ang pinanood ko.
“‘Yung isang episode, more or less, an hour ang duration niya. So, probably, mga ten hours straight ako nanonood.
“Mga one after dinner, hanggang sa umabot na sa umaga. Itinuloy-tuloy ko, eh.”
Sey pa niya na very unique ang kuwento ng My Love From The Star kaya masuwerte siyang napili for the lead role opposite Jennylyn Mercado.
Oprah lalabanan si Trump sa susunod na eleksyon?!
Marami ang nag-uudyok sa philanthropist and media mogul na si Oprah Winfrey na tumakbo bilang U.S. president sa taong 2020.
Siya raw ang puwedeng makasagupa ni newly-elected U.S. President Donald Trump.
Walang naging comment si Oprah sa kagustuhan ng marami na tumakbo siya bilang president. Pero hindi din naman daw niya niru-rule out ang idea na ito.
Sa isang interview sa kanya ng Bloomberg TV, hindi raw niya minsan naisip na magkaroon ng sarili niyang White House campaign.
“I never considered the question even a possibility.” sey pa ni Oprah.
Naging strong supporter ng Democrat candidate na si Hilary Clinton noong nakaraang election si Oprah. Pero hindi ito natulad sa pagsuporta niya noon kay Barack Obama noong 2008 na nanalo at naging first black president ng United States of America.
- Latest