Half utol ni Coco may arte rin

Ito pa lang si Sandino Martin na half younger brother ng actor na si Coco Martin ay may talento rin sa akting.

Mas may karapatan siyang tawaging artista. Sabagay, si Coco naman ay pasadung-pasado na sa pagiging magaling na aktor, mapa-drama at aksyon ay lusot na si Coco.

Si Sandino naman ay tampok sa isang indie film na tungkol sa kasaysayan ng aso at tao. At take note, kahit hindi siya magsalita ay nagungusap na ang mga mata niya.

Miguel Aguila nakakakilabot kumanta

Kinilabutan ako the other day nang dumalo ako sa anticipated mass sa isang exclusive subdivision sa Pasig City.

Maganda ang homily ng kanilang parish priest. Pero mas kikilabutan ka sa mga sacred songs na Our Father at Panis Angelicus.

Iiyak ka dahil parang madadala ka at tatagos sa iyong kalooban ang said songs. At lahat halos ng dumalo sa misa ay nakatingin sa kumakanta na walang iba kundi si Miguel Aguila.

Parang kailan lang ay totoy na totoy pa si Miguel, pero ibang-iba na ang aura niya ngayon.

Matangkad, guwapo, mala-bumbayin ang kanyang kakisigan at napakagandang kumanta. High pitch ang tono niya pag siya ay kumakanta, baritono baga.

E, hindi kilala ng mga parishioner si Miguel, dahil naimbita lang din siya doon to sing para sa birthday ng movie producer at businessman na si Jesse G. Chua na family friend ng Aguila Family.

Ito palang si Miguel ay graduating na sa kursong IT sa AMA, at ang mga idolo niyang local singers ay sina Martin Nievera at Gary Valenciano.

Bagets pa lang daw siya ay hangang-hanga na siya dalawang idol niya na someday daw ay pangarap niyang makasama sa concert.

The whole-night ng birthday ni Jesse ay siya ang entertainer at umawit siya ng 20 songs kabilang na rito ang Chinese, Spanish, Tagalog, English, old and modern songs na bumagay sa okasyon at edad ng celebrant.

Halos lahat ng friend ni Jesse ay dumalo, sorpresa effect lalo na nung dumating ang mga nagtatangkarang mga basketball player ng mga koponan at ang super rich man ng Chowking.

Barbie at Ken totohanan na?!

Sino kaya sa apat na leading men ni Barbie Forteza na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Doschner at Addy Raj ang magiging winner sa puso ng dalaga sa totoong buhay?

Kung panonoorin ninyo ang primetime series sa GMA 7 na It Meant To Be, tatlo sa kanila ang parang very serious na may pagmamahal kay Barbie, yan sina Jak, Ken at Ivan.

Kay Barbie kaya sino ang mas matimbang sa puso niya. E, di kaya si Ken, pero parang narinig namin, na malaki ang tama sa puso ni Ken si Barbie or Billie.

Show comments