Pokus sa panggagamot ng cancer, Elizabeth Oropesa sideline na lang daw ang pag-aartista

MANILA, Philippines - Nagbabalik-Kapuso ang mahusay na aktres na si Elizabeth Oropesa.

Isa siya sa cast members ng Impostora na upcoming serye ng GMA na pagbibidahan ni Kris Bernal.   

Matagal bago gumawang muli ng soap opera si Elizabeth.

“Ayoko ‘yung ibang nai-offer na… hindi ako masyadong gigil tumanggap pagka may sinasaktan na bata, ayoko ‘yung mga ganun.”  

Maganda raw ang role niya sa Impostora kaya tinanggap niya ito.

“E napakaganda naman nung role,” bulalas ni Elizabeth.

“Ako ‘yung tiyahin ni Nimfa, ni Kris. Ako ‘yung tiyahin dito, mabait, na nag-alaga sa kanya na mahal na mahal siya dahil wala na siyang magulang, namatay ‘yung magulang  niya, naaksidente both the mother and the father.

 “So why will not I accept it? Tsaka miss ko na ang Siyete, e.”

Ang Beauty Queen ang huling serye na ginawa niya sa GMA na pinagbidahan nina Iza Calzado, Maggie Wilson, at Katrina Halili, umere ito noong 2010.

Isa pang dahilan kung bakit hindi siya gaanong nagtetelebisyon ay ang kanyang clinic na ang specialization ay Alternative Medicine.

“All kinds ng sakit but most especially cancer at tsaka anything that’s related to the bones kasi iyon ang specialty ko.” Kaya sideline na lang niya ang pag-aartista.

“Oo, oo! Pero siyempre masarap ang feeling kapag may kumukuha sa iyo.

“It’s just that ngayon namimili na talaga ako, hindi  ako masyadong basta-basta tumatanggap.”

 Nine years na siyang nagkiklinika sa Quezon City. 

“May PHD ako sa Alternative Medicine.  

“Ang Alternative Medicine anything related… anything non-invasive usually except for acupuncture kasi ‘di ba licensed acupuncturist ako, nagtapos ako ng TCM, Traditional Chinese Medicine.

“Sa TCM naman, covered lahat. Acupunture, herbalist at tsaka yung being able to analyse what’s wrong with the body because everything, all the organs are related.

“Tapos yung sa cancer naman, it has something to do with diet, tapos I have different modalities na non-invasive na ipinagagamit ko sa mga cancer patients at tsaka sa mga hindi mabuntis.  

“Ang success namin diyan ‘yung ilang taon nang hindi magkaanak na hindi malaman kung ano ang dahilan.”   

Encantadia matagal pang eere

Pasabog na naman ang ginawa ni Direk Mark Reyes sa Encantadia after niyang gulatin ang netizens sa ipinakilalang bagong Avria sa Encantadia na walang iba kung hindi ang seasoned actress na si Eula Valdes.   

Hindi makapaniwala ang viewers na isa na namang magaling na kontrabida ang magiging kalaban ng mga Sang’gre.

Sa kanilang social media accounts, ibinahagi nila ang kanilang excitement sa pagpasok ni Eula sa iconic GMA telefantasya.

Ayon sa kanila, masaya sila sa maraming sorpresa ng programa dahil isa raw itong simbolo na matagal-tagal pa ang takbo ng istorya. (JOE BARRAMEDA)

Show comments