How true na parang may something na hindi magandang nangyayari sa isang napakagandang young actress both in TV and movies? Ang nasabing young star ay naging modelo raw ng isang developer na involve sa pagpapagawa ng mga establishment.
Ang kwento, minsan daw natipuhan ng isang super millionaire at naging powerful politician ang young actress. Wala naman nasabing nagkagusto rin naman ang young star sa pulitiko. Tapos, siya nga ang kinuhang model-endorser ng mga dine-develop na resort ng said politician.
Pero parang hindi yata nagustuhan ng family ng said millionaire at ipinatanggal ang billboard na kasama ang endorser na young actress. Sabi pa ng taong nagkwento na tila taga-Sta. Lucia Company, na ang laki daw ng galit sa aktres ng mga siblings ng rich guy! May something kaya? E, sabagay, ang ganda ng young star na ito. Ang bait-bait pa.
Magaling na artista at very loving sa kanyang pamilya. At feeling ko, walang nangyari sa kanila ng old rich man/politician.
Beteranang aktres na si Chanda Romero parang virgin pa
Batang-bata ang aura ni Chanda Romero kahit senior citizen na rin siya. Pero hindi ang age ang pinag-uusapan kundi ang pagiging young looking niya, fresh at parang virgin pa kuno.
Isa si Chanda sa big cast ng bagong primetime show ng GMA-7, ang Legally Blind. Remember, si Chanda ang isa sa pinakamagaling na aktres at sikat way back 10 years ago. Naging premyadong aktres din siya dahil sa talentong taglay sa pag-arte. Ilan silang magagaling na artista na paborito ng Crown Seven Productions ni Jesse Ejercito. Matagal ding namahinga sa showbiz life si Chanda sa piling ng naging kapilas ng kanyang buhay.
Sa madaling salita, nag-asawa siya at since then, mas pinili niya ang maging family woman, kyems!
Sa launching ng Legally Blind ay naka-tsikahan namin ang aktres. Wala raw siyang ipinaayos sa mukha, at ipinakita sa amin at ipinasalat ang leeg. Ang kinis niya at walang gatla! Walang marka ng tahi! Kasi daw happy ang lovelife niya with her husband. Hindi lang rich kundi educated at super bait ng kanyang mister.
Isang sikreto pa niya ay lunod daw siya sa tubig, ibig sabihin, may malaking bahagi sa buhay niya ang water therapy, morning exercise at ‘yun nga walang patlang na pagdidilig ng pag ibig. Ow! laban kayo!
Thank you…
A heartfelt thanks to katoto and inaanak and a former PMPC president Julie Bonifacio, answered prayer ka.
Of course, kay Kuya Boy Abunda the one and only sa larangan ng tsikahan at pambato niya ang The Bottomline ng ABS-CBN.
A million thanks dahil lagi kayong nandiyan sa mga ka-friendship ninyo.
Dr. Annabelle Galias of Saint James Hospital, Cabuyao and her staff. Thanks Ethel Ramos, Ricky F. Lo. Prayers will help people who needs it! Kaya get well soon Suzette Guansing and Eilene Samio.