^

Pang Movies

Amy Perez apat na taong niloko ng favorite maid!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Amy Perez apat na taong niloko ng favorite maid!
Amy Perez

Grabe ang naging kapalaran ni Amy Perez sa kanyang kasambahay na ninanakawan pala siya sa loob ng apat na taon nang hindi niya namamalayan.

Ayon kay Amy, hindi na nila itinuring na ibang tao si Melrose Besano pero nagawa siyang lokohin dahil sa boyfriend nito. Nakakulong na ito sa kasalukuyan

Ngayon kasi, ang mga kasambahay grabe na rin gumamit ng social media. Kung noon, walang mga cellphone at bawal mag-telepono ‘pag nagtatrabaho, ngayon sosyal na ang mga kasambahay. Mas malala pa silang mag-cellphone at gumamit ng social media kesa sa mga amo.

Erich tinulungan ni Charo Santos humupa ang galit

Si Madam Charo Santos ang obvious na nakapagpahupa sa galit ni Erich Gonzales sa ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Posted sa IG account ni Erich ang photo nila ni Madam Charo kung saan nagsilbi raw niya itong guiding star. “This lady beside me shared so much wisdom to me today. You will always be my guiding star. Thank you for providing me the support and guidance when I most needed it. I’m in awe of you Mam Charo, you are one of a kind @charosantos”

Magkasamang umalis kahapon pa-Amerika ang dating magkarelasyon.

 

Miss Bulgaria

Miss Bulgaria parang gustong mag-showbiz

Nagpaparamdam si Violina Ancheva - Miss Universe Bulgaria 2016. Sa kanyang Facebook account, inilagay niya ang picture ng mga jeep na naka-park sa tabing kalsada at nilagyan niya ng caption na “I really miss Philippines...”

Tulad ng candidate ng Thailand sa Miss Universe na ginanap dito sa atin noong January 30, parang interesado rin si Miss Bulgaria na magka-career dito sa Pilipinas.

vuukle comment

AMY PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with