^

Pang Movies

Maine hindi na natutulog! Alden umaming parang apoy na sinindihan ang sarili

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado pareho sina Alden Richards at Maine Mendoza na malaking adjustment para sa kanila ang bago nilang primetime series na Destined to be Yours since nasanay na sila sa live serye tulad ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Si Alden, of course, nagkaroon na rin naman siya ng maraming drama series in the past pero two years ago pa ang huli niyang soap at for almost two years nga ay sa Kalyeserye na siya nag-concentrate.

Kaya pag-amin ng young actor, feeling daw niya ay pumurol siya pagdating sa pag-arte.

“Parang kasi, masyado akong napahinga, not even doing mga series po with GMA-7, parang na-feel ko po na nakukulangan ako sa sarili ko when it comes to acting,” pahayag ni Alden sa grand presscon ng Destined to be Yours last Tuesday.

Kaya naman very thankful siya sa direktor nilang si Irene Villamor at coach na si Jay dahil talagang gina-guide raw siya ng mga ito na bumalik ulit sa actor-mode kung baga.

“So, parang sinisindihan ko ulit ang apoy para bumalik sa dati and so far po, masaya po kami sa nagagawa naming eksena,” he said.

Si Maine naman na ngayon lang talaga sumabak sa paggawa ng drama series ay aminado ring nanibago sa ganitong klaseng trabaho.

“Hindi naman po dusa, siguro, challen­ging na lang ‘yung pagte-taping namin sa bundok, kasi ang napansin ko lang, mahirap po, kasi sa puyat naman, sanay naman akong magpuyat pero iba rin po ‘yung mayroon kang kailangang gawin the next day like after po ng taping, kailangan po naming mag-Eat Bulaga ni Alden.

“So, ‘yun po siguro ‘yung biggest adjustment na kailangang gawin kasi talagang walang tulog, walang pahinga pero laban nang laban kahit walang kalaban,” natatawa niyang sabi.

Handa na ba siyang mahusgahan ang acting sa teleserye nila?

“Naku, kahit ano naman po ang ginagawa ko, eh may nasasabi pa rin ang tao. So, basta dito, ginagawa ko naman ang best ko, so feeling ko, okay na ako basta satisfied ako sa acting ko,” she said.

In terms of pagpapakilig, ano naman ang aasahan sa kanila ng mga fans nila?

“Well, kasi, natural po siyang lumalabas sa amin. Kasi po parang the more na e-effort-an namin, parang mas lalong fake ‘yung kinakalabasan, ‘yung nakikita ng tao.

“So, dito, talagang ganu’n din po, natural lang po kami, kung ano po ang kailangan sa eksena, ‘yun din po ang gagawin namin, then, kung lumabas siyang nakakakilig, then, nakakakilig,” sey ni Maine.

Salo naman ni Alden, ang maganda raw kasi kay Direk Irene, binibigyan sila ng freedom to go beyond the script.

“Minsan, after the scene, tinutuloy pa po namin ‘yun, hindi po nagka-cut si direk para makakita po kung anon’g meron pang pwedeng gawin,” sabi ni Alden.

Ayon pa sa young actor, basta kakaibigang Maine raw ang makikita rito ng mga fans at manonood.

“Talagang ginagalingan po niya, sobrang improved po” sambit ni Alden.

Kumokontra naman si Maine dahil baka raw mag-expect masyado sa kanya ang mga tao kaya huwag daw tayong maniwala kay Alden.

“Rest assured, talagang ginalingan. Ibang Maine Mendoza po,” paniniguro ni Alden.

Ang Destined to be Yours ay magsisimula na ngayong Feb. 27 sa primetime slot ng GMA-7.

Russian artist tumira sa ‘Pinas dahil kay Imelda Marcos

Nagkaroon ng art exhibit titled From Russian Soul With Love ang Russian ar­tist/writer/actress/historian na si Natalya Bronzova na ginanap sa Cultural Center of the Philippines sponsored by Jewel May Lobaton-Pimentel (BB Pilipinas-Universe 1998) at dinaluhan ito ng mga bigating personalidad kabilang na si Cory Quirino.

Limang taon na palang naninirahan si Natalya sa Pilipinas at ang ating bansa na ang itinuturing niyang second home actually.

Dahil nagustuhan nga niya ang ating bansa, nagsulat pa siya ng isang libro titled The Philippines: The Country of Kindness and Gratitude.

Would you believe na ang isa sa dahilan kung bakit pumunta ng Pinas si Natasya ay dahil kay former First Lady Imelda Romualdez Marcos?

We learned na idol na idol pala ni Natalya si Madam Imelda mula pa noong bata siya at hindi siya naniniwala sa mga paratang dito kaya naman nagpunta siya ng Pinas para personal itong makilala.

Natupad naman ang dream niya na makilala si Madam Imelda at nagsulat pa siya ng book about her, ang Imelda Marcos: True, Good and Beautiful kung saan ay talagang inisa-isa niya ang mga magagandang katangian ng dating First Lady.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with