LizQuen may kakaibang paandar bago mag-valentines

MANILA, Philippines – Bago magpa-kilig sa pelikulang My Ex and Whys, kakaibang hugot muna ang gagawin ng tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa Valentine’s Day special ng Matanglawin ngayong Linggo (February 12), 10am sa ABS-CBN.

Sasabak sa Matanglawin Challenge ang dalawang young stars, kung saan kailangan nilang hugutin ang takip ng lamesa nang hindi nagagalaw ang mga nakapatong na plato at baso. Mapapalaban din ang Hashtags, GirlTrends, at grupong Upgrade sa mga hamon ni Kuya Kim Atienza, na magpapakita rin ng mga kakaibang paraan para ipagdiwang ang Araw ng mga Puso. Isa na riyan ang pagkain sa dilim sa isang restaurant, at ang pagpunta sa Upside Down Museum.

Ma-inlove habang natututo ng bagong kaalaman sa Matanglawin ngayong Linggo (February 12), 10am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Show comments