James at Nadine isang taon nang in love!
Bumaha ang pagbati kahapon kina James Reid at Nadine Lustre dahil nagdiwang sila ng kanilang first anniversary bilang mag-dyowa.
Ganyan kabilis ang panahon. Isang taon na ang nakalilipas mula nang maging opisyal ang relasyon nina Nadine at James.
February 11, 2016 ang actual anniversary ng dalawa pero February 20, 2016 nang aminin nila sa publiko ang kanilang love affair.
Clueless si Nadine sa gagawin ni James sa JaDine In Love concert nila sa Smart Araneta Coliseum. Nabigla siya sa pasabog ni James na boyfriend-girlfriend na ang kanilang relasyon na ikinatuwa ng fans dahil dream nila magkatuluyan sa tunay na buhay ang JaDine loveteam.
After one year, going strong ang pagsasama nina James at Nadine. Wala tayong nababalitaan na nag-aaway o may pinagseselosan sila. Nakatulong talaga na naging magkaibigan muna sina James at Nadine, na-develop ang feelings nila para sa isa’t isa bago nauwi sa totohanan ang kanilang relasyon.
Sobrang kinaiinggitan si Nadine dahil in love na in love sa kanya si James na pinagpapantasyahan pa rin ng mga kababaihan, kahit “taken” na siya.
Teresa at Diego dating magkasama sa bahay ni Cesar
Hinihintay pa rin ang statement ni Teresa Loyzaga tungkol sa mga emote ng kanyang anak na si Diego laban sa tatay nito na si Cesar Montano.
Tikom pa ang mga bibig nina Teresa at Cesar tungkol sa isyu na pinasabog ni Diego na paborito ng mga basher na naniniwala na dapat igalang ang mga magulang na nagbigay ng buhay sa mga anak.
Naniniwala ako na hindi man perfect father si Cesar, mahal niya si Diego dahil kung hindi, hindi siya papayag na manirahan ito sa kanyang bahay sa Sct. Rallos, Quezon City.
Ang balita ko, nakatira rin si Teresa sa bahay ni Cesar sa Sct. Rallos dahil sa imbitasyon ni Diego.
Regine sama raw ng loob ang napala sa Twitter
“God bless” ang message na ipinararating ni Regine Velasquez sa mga basher na mali ang intindi sa private joke niya na siya ang personal assistant ng kanyang stepdaughter na si Leila Alcasid.
Iniyakan ni Regine ang mga masasakit na salita na natikman niya at ng kanyang pamilya kaya nakapag-dialogue siya ng “Parang ayoko na mag-twitter. Sama lang ng loob ang nakukuha ko dito.”
Nag-sorry si Regine kay Leila na dinurug-durog din ng mga nagpakilala na fan ni Regine pero inokray-okray naman nila ang singer.
Nakadagdag sa lungkot ni Regine noong Biyernes ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kaibigan, ang fashion designer na si Pepsi Herrera. Si Pepsi ang isa sa mga gumagawa ng mga damit na ginagamit ni Regine sa mga show nito sa GMA 7.
Local movie na ipalalabas hindi pasado sa panlasa ng mga Pinoy
Walang kaingay-ingay ang isang Pinoy movie na malapit na ang showing sa mga sinehan.
Ang sey ng mga mahihilig sa intriga, baka mag-flop sa box office ang pelikula dahil walang chemistry ang mga bida na pilit na inili-link sa isa’t isa, sa ngalan ng promo.
May mga nagsasabi naman na bigyan ng chance ang pelikula dahil maganda ang kuwento na ito na hindi sapat na basehan dahil marami ang mga Pinoy movie na bongga ang pagkakagawa pero dinedma ng moviegoers na kakaiba ang panlasa.
- Latest