Julia mukha raw bunot ang isinusuot na wig
Talagang may hirit pa ng pang-ookray ang ibang fans ni Julia Montes sa pagtatapos ng kanyang serye na Doble Kara kahapon.
Reklamo ng fans, laging nagtitipid ang producer ng serye dahil may moment na halatang wig ang suot ng aktres na parang bunot lang na isinalpak sa ulo ni Julia. Sa wakas daw ay matatapos na ang serye, ibig sabihin ay hindi na rin nila makikita ang kanilang idolo sa masagwa nitong wig bilang Sara.
In fairness, mas marami ang walang pakialam sa hitsura at wig ni Julia dahil sa ang galing-galing ng aktres umarte pati na rin ang lahat ng cast ng serye.
Kaya kudos ang sigaw ng fans sa serye na nagwi-wish pang mapanood agad si Julia dahil pang best actress ang akting niya.
Samantala, hindi magsasawang magpasalamat si Julia sa ABS-CBN dahil sa kanya ipinagkatiwala ang Doble Kara na halos two years din ang itinagal sa ere. Nagbalak lang pala na magpahinga noon si Julia sabi nito sa isang interview.
- Latest