Interpreter nilito raw si Maxine! ‘I Gave And Offered My Best, My Heart, And My Soul’

Maxine Medina

Kahit nakaalis na ng bansa ang karamihan sa mga kandidata sa ginanap na Miss Universe pageant, hindi pa tapos ang balitaktakan sa naging kapalaran ni Miss Universe Philippines Maxine Medina lalo na sa kanyang naging performance sa question and answer portion.

Ang mga basher, tuloy ang panlalait. Ang iba naman ay ipinagtatanggol siya na mali rin naman talaga ang naging translation kaya ganun ang naging sagot niya.

“What is the most significant change you’ve seen in the world in the last 10 years?” Ang tanong ng host na si Steve Harvey.

Nang tagalugin ito ng interpreter ay: “Ano ang pinakamakabuluhang naganap na pangyayari na nakita mo sa mundo sa loob ng sampung taon?”

Eh ang actual na Tagalog nito base sa translator sa Internet, “Ano ang pinakamakabuluhang pagbabago na iyong nakita sa mundo sa nakalipas na 10 taon?”

English ang naging sagot ni Maxine.

“In the last 10 years of being here in the world, I saw all the people bringing in one event like this in Miss Universe. It’s something big to us that we are one. As one nation, we are all together. Thank you. Maraming salamat po,”

Magkalayo raw ang salitang pagbabago at naga­nap kaya naging ganun ang sagot ni Maxine ang nagkakaisang sabi ng mga kakampi ng Pinay beauty queen.

Pero ‘di ba naintindihan din naman niya ‘yun in English?

Anyway, ano man ang gawing argumento tapos na ang lahat. Si Miss France na ang bagong Miss Universe, Iris Mi­ttenaere, na aminadong malaki ang maitutulong ng kanyang korona para malaman sa bansang Europe na meron palang Miss Universe na nagaganap taun-taon.

Samantala, sa kabila ng napakaraming bashing nagpasalamat naman si Maxine sa kanyang naging karanasan.

I feel so blessed to have the honor of representing my country the Philippines. I gave and offered my best, my heart and my soul as I stepped out on the stage to represent the entire nation at this year’s Miss Universe Pageant! I am so proud to have been given the opportunity of wearing the Philippine sash for a month of hosting this historical event. After seven months of preparations, through ups and downs, when I go to sleep, I am at peace and comforted knowing that the entire country believes in me. Yesterday, when I was called to be part of the top 6 finalists, I knew that I could make it because I believe in myself. I KNOW THAT I AM CAPABLE AND I ROSE FROM THE CHALLENGES that I’ve been through. Most importantly, I know that my fellow Filipinos also think that I CAN. I am fortunate to be part of this momentous gathering of the most beautiful women in the universe that took place in our country. To have experienced this milestone makes me very happy because I was able to bring the Filipino nation together as one. To my fellow candidates, it is a privilege to share this wonderful journey with you. Sa aking mga kababayan at kapwa Filipino, maraming salamat po sa lahat ng suporta at pagmamahal na ipinakita ninyo sa akin! EVERYTHING I DO IS FOR OUR PHILIPPINES! MABUHAY PO TAYONG LAHAT. MAHAL KO KAYO.”

Show comments