^

Pang Movies

Pagkatapos kay Baste, Ellen aktor ang bagong tina-target

IDAING MO KAY VANESSA - Nora Calderon - Pang-masa

Walang pagtanggi kay Ellen Adarna nang tanungin siya sa pocket interview sa kanya for Moonlight Over Baler ng T-Rex Entertainment Productions ng tungkol sa kanilang naging relasyon ni Baste Duterte, anak ni President Rodrigo Duterte.

Inamin niyang eight months din ang naging relasyon nila pero ayaw niyang sabihin ang casue ng break-up, sa kanila na raw lamang iyon. They are better off as friends na lamang daw at patuloy pa rin silang lumalabas.

Inamin din ni Ellen na 13 years old pa lamang siya nang unang magka-boyfriend, nagkaroon na siya ng walong boyfriends at pang-siyam si Baste. Pero nagkaroon daw siya ng true love na tumagal ng five years at talagang iniyakan daw niya ito.

May bago na ba siyang boyfriend?

“Wala pa, one month pa lamang naman kaming wala ni Baste,” natatawang sagot ni Ellen. “Wala akong naging boyfriend sa showbiz, pero meron akong crush, at gusto ko siyang makatrabaho someday.”

Sinabi ni Ellen kung sino ang actor pero nakiusap siyang huwag isulat dahil nahihiya siyang malaman ito ng actor.

Sa Moonlight Over Baler, gagampanan ni Ellen ang role ng babaeng na-meet ni Kenji (Vin Abrenica) sa Baler. Ito ay pagkatapos ng 40 years after World War II na namatay naman si Vin as Nestor na isang sundalo sa giyera na naiwanan niya ang pakakasalan sanang si Fidela (Sophie Albert) na ginampanan na ni Elizabeth Oropesa nang tumanda.

Kumusta namang katrabaho si Vin, may love scenes ba sila sa movie na sinulat ni Eric Ramos na nanalo sa Palanca awards ang story?

“First time kong nakatrabaho si Vin dito at hindi naman kami nagtagal ng shooting, one week lang yata.  May kissing scenes lamang kami pero walang love scene dahil may pagka-conservative pa noon ang mga tao.”

Kumusta naman si Direk Gil Portes?

“May talak pa rin pero hindi naman nagtatagal ang galit niya kapag mali ang ginawa ko. Hindi ito ang first time na nagkatrabaho kami at malaki ang utang na loob ko sa kanya.”

Kaya nang i-offer sa kanya ni Direk Gil ang Moonlight Over Baler, hindi siya tumanggi at ipinagpalit niya ito sa isang launching movie na in-offer sa kanya ng ibang production.

May premiere night ang Moonlight Over Baler sa Gateway Cinema 1 sa Thursday, February 2 at showing sila nationwide simula sa February 8. Nagpapasalamat nga pala ang T-Rex Entertainment Productions sa pagbibigay sa kanila ng FHM ng copies ng photo shoot ni Marc Nicdao kay Ellen.

Sey ni Solenn interpreter ni Miss France mali-mali raw!

Nag-tweet agad si Solenn Heussaff na mali ang interpreter ni Miss France na siyang kinoronahang Miss Universe 2016.

Ayon sa French-Filipino na si Solenn: “French translator said when I missed my first casting. But she really said 1st year of Medicine school.”

Nagtala agad ito ng 15.3K retweets at 18.6K likes.  Siguro, iyon nga ang problema naman kapag may interpreter dahil hindi naman alam ng mga judge o ng host kung tama o mali ang sagot ng candidates.

 

BASTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with