^

Pang Movies

Mga miyembro ng Mowelfund, nganga na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maganda iyong paglilinaw na ginawa ni Senador Tito Sotto na ang kanyang proposal na magkaroon ng sariling film festival ang mga pelikulang indie, at hindi iyong kagaya ng nangyaring ipinipilit nila sa Metro Manila Film Festival, ay hindi para paboran ang kanyang kapatid na si Vic Sotto na consistent money maker sa film festival.

Ang sinasabi ni Senador Tito, ang naiisip daw niya ay ang beneficiaries sa MMFF, kagaya nga ng Mowelfund, Film Academy at iba pa na umaasa sa MMFF para sa kanilang pondo. Kung wala ang MMFF, o kung kagaya nang nangyari ngayon na halos walang kinita, pilay ang mga samahang iyan sa pagtupad ng kanilang misyon.

Beneficiary rin ang Optical Media Board, pero hindi masasaktan iyon dahil may budget naman iyon mula sa gobyerno. Hindi rin siguro maaapektuhan iyong “social fund” ng Office of the President.  Si­guro mailulusot pa rin iyong mga “cash gift” para sa ilang opisyal ng MMDA na “nagtrabaho naman”.

Pero ang maliliit na manggagawa sa industriya na umaasa sa Mowelfund at sa kanilang mga guild, ano nga ba ang maaasahan ngayon.

May isa naman kaming puntong nakikita. Gusto nilang kunin ang MMFF kasi nga iyan ang best playdate of the year. Pero maliwanag, ang mababang gross ng mga pelikula sa nakaraang MMFF ay nagpapakita na hindi mo mapipilit ang mga tao na panoorin ang isang pelikula kung hindi nila gusto.

Hindi mo maaaring diktahan ang publiko kung papaano at kung saan nila gagastahin ang pera nila. Pinagpaguran nila iyon eh. Gusto naman nilang tumawa. Gusto naman nilang ma-in love muli kahit na papaano tuwing Pasko. ‘Wag na nating panghimasukan at diktahan.

Dayanara hindi kayang banggitin ang pangalan ni Aga

Nakita namin ang lahat halos ng interview kay Dayanara Torres nang duma­ting siya. Talagang lahat ng TV crew ay naroroon sa Terminal 1 nang dumating siya.

Napansin lang namin, nabanggit niya ang lahat ng mga artistang nakatrabaho niya noong nag-artista siya rito sa ating bansa, pero mukhang hindi namin narinig ang pangalan ng naging boyfriend  niyang si Aga Muhlach. Huwag namang sabihin sa amin na in-edit iyon ng mga TV station nang ilabas nila ang interview. Mukhang si Dayanara ang nag-edit sa sarili niya at hindi binanggit si Aga.

May manager na raw si Dayanara na mag-aayos ng mga project niya sa pagbalik niya ng bansa.

Well, goodluck sa kanya.

SENADOR TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with