^

Pang Movies

Angeline shocking ang ginawa kay Jake

- Vinia Vivar - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Angeline shocking ang ginawa kay Jake
Jake at Angeline

Ikinagulat ng marami ang mga love scene ni Angeline Quinto with Jake Cuenca sa pelikulang Foolish Love mula sa Regal Films directed by Joel Lamangan. First time niya na talagang nagpaka-daring ng ganito sa isang pelikula at talaga namang kung hindi ka sanay na makita siya sa mga ganitong eksena, eh talagang masa-shock ka.

Napanood namin ang nasabing pelikula sa red carpet premiere night nito na ginanap last Tuesday sa SM Megamall kung saan ay present ang mga bidang sina Jake at Angeline, gayundin ang ToMiho couple na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida.

After the screening ay nagkaroon ng dinner blow-out kung saan ay nakatsikahan namin si Angge. Biniro agad siya ng press sa mga daring scenes niya at ayon sa kanya, siya mismo ay hindi niya matingnan ang mga eksena at talagang ang pumasok agad sa isip niya ay kung ano ang magiging reaction ng Mama niya na nanonood din sa preem nigt.

“Kasi before po kami magpunta dito, talagang sabi ko sa kanya, ‘Ma, trabaho lang ‘yun ha?’ Kasi di ba, siyempre, kailangang ipaliwanag ko sa kanya, first time po niya akong makikita na may eksenang ganu’n, na matagal makipaghalikan, ganyan. Pero feeling ko naman maiintindihan niya.

“Hindi pa kami nagkausap, eh. Mamaya pagdating ko sa bahay. Pero kami ni Jake, wala kaming ginawa kundi maghampasan sa upuan. Basta, natatawa ako, nadadala ako sa mga sigaw ng tao habang nanonood. Natutuwa naman ako kasi kinilig sila,” pahayag ni Angeline.

Ito na ba talaga ang umpisa ng pagiging daring niya?

“Ganu’n naman ho ako sa personal na buhay. Hindi pa ba?” sabay pakita ng suot niya na exposed ang cleavage “Saka hindi naman po siguro masama kung susubukan ko ang mga bagay na first time kong gagawin lalo kapag pagdating sa pag-arte.

Kaysa naman ho magpa-sweet ako eh hindi naman na ako 16 years old, di ba? ‘Yun lang. Alam ko naman po na maiintindihan ng mga tao ‘yun kasi for me naman po, nasa tamang edad ako. Hindi man nakikita ng mga tao na mayroon akong love life talaga, siguro nasa tamang edad na po ako para gawin ang mga bagay na ‘yun.”

Kaya ba niyang ipapapanood kay Erik Santos ang mga daring scenes nila ni Jake?

“Ay, hindi ko po alam. Hindi niya kasi alam na may mga ganitong eksena, eh. Hindi ko rin sinasabi sa kanya. Kung sakaling mapanood po niya or mabasa niya, eh nasa kanya na ‘yun, basta ako, trabaho lang naman ‘to. Sana, walang magbago,” she said.

When asked kung pwede pa siyang maging mas daring pa sa mga susunod niyang film, aniya ay depende raw sa role at sa materyal.

“Ayoko lang ng sobrang may masasabi ang mga tao na hindi maganda. Kung hindi naman bagay sa akin, ayoko rin namang ipilit.”

How about two-piece bikini or bed scene na matindi?

“Kung kaya naman. . dapat maganda katawan ko pag ganu’n,” sambit ni Angeline.

Ang Foolish Love ay nagsimula nang ipalabas kahahon (Jan. 25) sa mga sinehan.

Zanjoe memoryado nang maging daddy

Sa dinami-rami ng batang nag-audition para gumanap na Heart sa My Dear Heart, si Nayomi Ramos ang napili ni Zanjoe Marudo at ng mga director na sina Jerome Pobocan at Jojo Saguin.

Nagsimula na itong umere last Monday sa primetime slot ng ABS-CBN.

Naroroon mismo si Z (Zanjoe) nang mag-audition si Nayomi at nakuha agad ng bata ang kanilang atensyon.

Sanay na sanay na nga ang aktor na gumanap na daddy sa mga serye at lagi na’y nagiging malapit talaga sa kanya ang mga batang gumaganap na anak niya.

Sa tingin ba niya ay parang preparation na ba ang mga daddy roles niya para sa pagkakaroon niya ng tunay na anak in the future?

Parang ang tagal na ng preparation na ‘yan, ah, 2012 pa (sa seryeng Ana Liza), 2017 na ngayon,” natatawang sambit ni Z.

Pero aminado naman siyang may mga natutunan siya sa mga father roles na ginampanan niya para mai-apply niya rin ito kapag dumating ang time na may anak na siya.

ANGELINE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with