^

Pang Movies

Meg pinag-aralang mabuti ang paghithit ng sigarilyo!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Meg pinag-aralang mabuti ang paghithit ng sigarilyo!
Meg Imperial

Puro pelikula pala ang pinagkaabalahan ni Meg Imperial last year na ngayong 2017 pa lang maipalalabas. Nakatatlong pelikula siya, ang una nga ay itong Swipe under Viva Films, Allud Entertainment and Ledge Films kasama sina Luis Alandy, Alex Medina, Ma. Isabel Lopez, Gabby Eigenmann and Mercedes Cabral na ipalalabas na sa Feb. 1.

Ang isa pa niyang movie ay Higanti at ang isa ay under Carlo J. Caparas titled Kamandag ng Droga. Hindi pa raw niya alam kung kailan ang playdate ng mga ito.

Sa presscon kahapon ng Swipe, ayon sa aktres ay nami-miss na nga raw niya ang TV dahil two years ago pa ang huli niyang serye pero happy naman daw siya sa pelikula dahil ibang satisfaction daw ang naibibigay sa kanya na gumanap ng iba’t ibang karakter sa pelikula.

Sa Swipe ay ginagampanan naman niya ang papel ng dating drug addict at kapareha niya rito si Alex. Of course ay may mga daring scene rin siya pero aniya ay hindi naman masasabing super daring.

“Wala naman akong ipinakitang anything (in the past), hanggang doon lang ako sa ano, as long as - lagi kong sinasabi – may lalim ‘yung story ng film, and kailangan naman talaga, hindi naman ‘yung basta ‘magpa-sexy ka riyan para lang ma-attract ‘yung tao, no. Kinailagan talaga du’n sa story so why not do it naman kung para sa story,” pahayag ni Meg sa presscon kahapon ng Swipe.

For this film ay may first time raw siyang ginawa tulad ng sinubukan niyang pag-aralan ang paninigarilyo sa totoong buhay dahil kailangan sa role niya. Ayaw naman daw niyang dayain at gusto niya talagang maranasan kung ano talaga ang pakiramdam ng totoong naninigarilyo.

Samantala, when it comes to love life, open daw siya to dating pero wala siyang boyfriend ngayon. Nahingan nga namin siya ng reaksyon tungkol sa pagbabalik-showbiz ngayon ni JM de Guzman na matatandaang da­ting na-link sa kan­ya at aniya ay masaya siya para sa aktor.

“I’m happy for him. Always,” sabi ni Meg.

“Ako naman kasi – everyone knows naman what happened to us - never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya. I’m always there for him, to support him, na maka-recover, kasi I want to be that ‘friend’ na of all the friends na nakapa­ligid sa kanya na into this kind of ano, na kung baga, nasu-suffocate na siguro siya. I want to be that kind na nandu’n to support him,” she added.

Kahit daw noong mga panahong nasa rehabilitation center ang aktor ay naipapahatid niya sa daddy nito ang pagmamalasakit bilang kaibigan.

“Nangangamusta, ganyan, like a friend, and nagre-respond naman na ‘he’s doing good’,” she said.

For the record, one month lang naman daw silang nag-date ni JM at ito ay bago pa raw nagkabalikan ang aktor at si Jessy Mendiola.

What if manligaw ulit sa kanya ang aktor lalo pa nga’t ang guwapu-guwapo na naman nito ulit ngayon, may chance ba?

“Tingnan po natin kung ano kasi ayoko namang sabihin na dahil nagbabalik siya, eh ia-allow ko na lang. Siyempre, mayroon pa rin tayong binabasehan na is he good for me or am I good for him as well? Magki-click ba talaga kami or baka naman madala lang kami ng tukso sa paligid namin,” sey ni Meg.

Wish ni Meg na magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ni JM sa dati dahil isa raw ito sa mahuhusay na aktor natin talaga. Given the chance, okay din sa kanya na makatrabaho ito.

Maria Isabel, ‘One in a Million’ din ang comment kay Maxine!

Sa nasabing presscon pa rin, natanong si Maria Isabel Lopez kung ano ang reaksyon or opinyon niya tungkol sa planong pagkuha ng interpreter ng ating Miss Universe candidate na si Maxine Medina sa gaganaping Miss Universe pageant dito sa ating bansa on Jan. 30.

“Wala pa naman tayong precedent na ang Miss Philippines ay kumuha ng interpreter in any pageant around the world even in the past. Wala rin naman tayong batas na nagsasabing bawal ‘yun.

“So, if ever, Maxine will be the first one to do it and she has every right to do it. Kung hindi mo ma-express ang answer mo or baka kabahan ka or you’re not confident enough, you’re always free to get an interpreter.

“But like what Gloria Diaz (former Miss Universe) said it’s one in a million chance for her as being the host country. So, good luck na lang sa ating candidate,” pahayag ni Isabel na as we all know ay former beauty queen (BB Pilipinas-Universe 1982) din.

 

MEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with