Kumpirmado, Sarah at John Lloyd may balikan!

John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo

Si Ms. Malou Santos na mismo ng Star Cine­ma ang nag-kumpirma na tuloy na tuloy na ang balikan sa pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Maraming kinilig sa tatlong naunang pelikulang pinagtambalan nila na nag-umpisa sa A Very Special Love, You Changed My Life at It Takes a Man and a Woman years ago. Kaya naman talagang maraming naghihintay na gumawa uli sila ng pelikula.

Last year pa nababalita ang nasabing ba­lik-tambalan ng dalawa.

Camille Prats at VJ Yambao

Camille kinasal na!

Kinasal na si Camille Prats kahapon sa non showbiz guy na si VJ Yambao.

Sa Batangas naganap ang kasalan. Sa resort nina Camille na Nayomi Sanctuary Resorts.

Second marriage na ito ng actress na namatay ang unang asawa dahil sa sakit na cancer.

May tig-isang anak ang bagong kasal.

 

Arci Muñoz at Badi del Rosario

Arci inaakusahang gumigimik sa bf na anak ng prinsipe!

For real daw kaya ang hiwalayan ni Arci Muñoz at ng boyfriend niyang si Badi del Rosario na anak ng isang Brunei Prince?

May ilang nagdududa kasi na baka naman daw kasi para lang sa promo ng pelikula nilang Extra Service ang naturang isyu?

Wala kasing makalkal na intriga sa kanya o maging kina Coleen Garcia at Jessy Mendiola na mga bida rin sa pelikula na showing na next week.

Si Coleen ang relasyon lang nila ni Billy Crawford ang puwede. Ganundin si Jessy na pawang si Luis Manzano ang topic sa tuwing makakausap. Eh si Arci may sabit nga sa isang band member na sinasabi niyang break na sila.

Kaya ang ending sa deklarasyon niyang single na uli siya, pinag-iisipan na unreal.

May statement din kasi si Arci na baka naman may chance pa sila.

Baka raw after ng showing ng movie, ayos na rin uli sila.

Show comments