Kumalat na sa social media ang ginawang nude calendar poses ng Miss Universe 2012 first runner-up na si Janine Tugonon.
Ito ang nude calendar pose na ginawa niya para sa NU Muses 2017 kung saan kasama niya ang 11 pang international models na walang suot kundi ang kanilang mga pouty lips lang.
Ibinebenta sa NU Muses website ng higit sa one million pesos ang naturang nude calendar na may three limited edition packaging. Meron din itong certificate of authencity dahil kuha ito ng celebrated lensman na si David Bellemere na kilala sa pagkuha niya sa catalog ng Victoria’s Secret.
Napili si Janine sa higit na 1,000 hopefuls at natuwa ito nang mapasama sa 12 final models.
Ni-release officially ang calendar noong December 2 sa Miami, Florida.
Heto ang dahilan ni Janine kung bakit pumayag siya na magkaroon ng nude photos:
“I flew to the US from Philippines with a DREAM. I wanted to AIM HIGHER. to be globally known and excellent in this industry (modeling and acting). Being in this calendar is a huge opportunity to showcase my beauty and personality, a great exposure for me and hopefully will be the beginning of a long lasting successful career in this field I’m very passionate about.”
Hollywood legend na si Debbie Reynolds namatay sa sobrang lungkot sa pagpanaw ng anak
Nagulat ang marami sa biglang pagpanaw ng Hollywood Legend na si Debbie Reynolds, isang araw pagkatapos pumanaw ng anak nitong si Carrie Fisher noong December 27.
Itinakbo ang 84-year-old actress sa Cedars-Sinai Medical Centre in Los Angeles dahil nag-collapse ito sa kanyang bahay in Beverly Hills.
Sobra raw itong nalungkot sa pagkamatay ng anak dahil sa massive heart attack.
Pero hindi na raw na-revive ang veteran actress at na-pronounced na itong dead.
Ang anak nito na si Todd Fisher ang nagparating sa media sa pagkamatay ng kanyang ina:
“She’s now with Carrie and we’re all heartbroken.”
Born Mary Frances Reynolds noong 1932, isa sa mga sikat na Hollywood leading ladies si Debbie Reynolds noong ‘50s and ‘60s noong uso pa ang mga big screen musical.
Best known work ni Debbie ang 1952 musical na Singin’ In The Rain kung saan nakapareha nito si Gene Kelly.
Sa TV ay hindi malilimutan ang pagganap niya bilang si Bobbi Adler, ang over-the-top mother ni Debra Messing sa sitcom na Will & Grace from 1999 to 2006.
Na-nominate pa si Debbie for an Academy Award for Best Actress para sa pelikulang The Unsinkable Molly Brown in 1964.
In 1996 ay nagbida pa ito sa isang comedy titled Mother.
Noong 2015, nabigyan ito ng lifetime achievement award ng Screen Actors Guild. Si Carrie pa mismo ang nag-present nito sa kanya.
Ikinasal si Debbie noong 1955 sa singer na si Eddie Fisher, ama nina Carrie at Todd. Nag-divorce sila noong 1959 at ikinasal pa siya ulit ng dalawang beses.