Nang unang sabihin kay Coleen Garcia na gagawin niya ang pelikulang Extra Service, aniya ay sobrang kinabahan daw talaga siya to the fact na comedy ito.
“Kasi, hindi talaga ako nagko-comedy, wala akong experience diyan, tapos mahiyain pa ako. So, siyempre, parang iniisip ko, ‘hala, pa’no ‘yan?’ Pero nung nalaman ko na si Direk Chris (Martinez) ‘yung direktor, medyo nakampante na talaga ako because I’ve seen some of his works, ‘di ba? Magaling naman siya talagang direktor,” sey ni Coleen nang makapanayam namin siya last week sa presscon ng movie.
Nang gumigiling na ang camera, ang ikinagulat pa raw niya kay Direk Chris dahil sobrang bilis pala nitong magtrabaho.
“’Yung akala namin, ang tagal-tagal pa namin sa set, ‘yun pala, take one, tapos na,” she said.
Sinang-ayunan naman ni direk na talagang natatakot daw at first si Coleen.
“Sabi niya, ‘direk, hindi po ako nagko-comedy’. Sabi ko, ‘ha? Kaya mo ‘yan, iga-guide kita’. Tapos ‘yun, first shot, ‘yung eksena nila ni Vin (Abrenica), grabe, nakakatawa siya. Kailangan lang talagang i-push na ‘kaya mo ‘yan!’,” kwento ni Direk Chris.
Ayon pa sa direktor, ang challenge raw talaga dito sa tatlong bidang babae ng movie na sina Coleen, Arci Muñoz, and Jessy Mendiola ay ang mga fighting scenes ng mga ito since action-comedy ito. Ito raw talaga ang “extra service” na ginawa ng girls.
“Grabe ang action na ginawa nila rito. As you can see sa trailer, hindi pa ‘yun talaga, nakapabilis ng trailer, ‘di ba? Pero ang dami pong mga eksena na pinaghirapan talaga namin, pinaghirapan nilang lahat, especially itong tatlong girls namin.
“They underwent training kay Erwin Tagle. Sobrang seryoso sila sa pinagdaanan nilang fight scenes, training.
“At the same time, extra (service) rin ang pagpapatawa, so it’s really a challenge for all of them kasi hindi tayo masyadong sanay na nakikita sila (na magpatawa), laging drama-drama, ‘di ba?
“Dito, action and comedy. Action, mahirap. Comedy, mahirap. Pinagsabay pa. So, ‘yun ang extra na aabangan talaga ng mga tao. It’s really something different for Coleen and Arci and Jessy and everybody na first time magko-comedy-action. So, it’s really something to look forward to,” sey ni Direk Chris.
Extra Service in showing on Jan. 11 bilang opening salvo ng Star Cinema for 2017.
Bea naglaway kay Ian
Maging si Bea Alonzo ay nabibighani sa kagwapuhan ng leading man niya sa seryeng A Love To Last na si Ian Veneracion. Kahit nasa 40s na raw ang aktor, parang nasa 20s pa lang daw kung pagbabasehan ang blooming career nito ngayon.
“Sa totoo, ngayon, pinaka-gwapo si Kuya Ian,” sey ni Bea. “Saka biglang nagdadamit ng mga torn jeans. Biglang bumabagets, iba talaga. Saka, ang gwapo, kahit ano’ng anggulo.”
Ayon naman kay Ian, this second wind in his career is something na hindi niya talaga ine-expect. Bukod sa serye, may dalawa pa siyang pelikulang ginagawa.
“It feels great and I’m just thankful because ‘yun nga, because of all these opportunities and I get to work with these people. ‘Yun, it’s totally unexpec ted,” he said.
Siguro nga raw, in his past life ay nakagawa siya ng mabuti kaya ganito siya kasuwerte ngayon.
Magsisimula nang iere sa Jan. 9, 2017 ang A Love to Last sa primetime slot ng ABS-CBN.
Vhong, mas natsa-challenge ‘pag nanggagaya
Sa Agent X-44 ay si Tony Ferrer ang ginaya ni Vhong Navarro. Dito sa pinaka-latest film niyang Mang Kepweng Returns na showing na sa Jan. 4 ay si Chiquito naman ang kanyang ginagaya.
Bakit si Chiquito ang mas pinili niyang gayahin kaysa sa Comedy King na si Dolphy?
“Dapat po, may isa akong gagawing pelikula ni Tito Dolphy, kaya lang po, hindi natuloy ‘yung project. ‘Yung Pacificia Falayfay. Gusto ko po talagang gawin ‘yun,” pahayag ni Vhong.
Ang yumaong si Direk Gilbert Perez daw sana ang magdidirek ng movie at dahil nga sa namatay na ito ay hindi na raw natuloy pa.
Gusto pa rin daw niya itong ituloy kung may pagkakataon.
“Gustung-gusto ko po talagang gumawa ng mga karakter ako kasi feeling ko po, kapag ordinaryong tao ako, para po sa akin, eh, parang nakukulungan ako sa ginagawa ko. Parang mas natsa-challenge po ako kapag mayroong nakalagay sa mukha ko, may parang karakter, mas nae-experiment ko po, mas napaglalaruan ko po,” sey ni Vhong.
Bata pa raw siya ay marami na siyang ginagayang artista na mga iniidolo niya kaya ganito raw talaga ang gusto niyang gawin.