Masaya si Gerald Anderson na na-meet na niya ang family ni Bea Alonzo. Sa recent interview sa aktor ay puring-puri niya ang pamilya ng rumored girlfriend.
“Mabait sila, eh. Mabait silang lahat, eh. Sobrang close sila and happy lang ako na nakilala ko sila sa ganu’n. And I’m very ano, sobrang privileged ako,” sabi ni Gerald.
Nag-level up na nga ba ang relasyon nila ngayon?
“Ako naman, eh, nagte-take advantage ako bawat pagsasama namin, kasi siyempre, busy kami pareho, so importante ‘yun sa akin,” he said.
Up to now ay wala pa ring opisyal na pag-amin sina Gerald and Bea kung sila na ba although pareho nilang inaamin na lumalabas naman sila together.
Ayon kay Gerald ay hindi sila nagmamadali at happy kung anumang meron sila ngayon.
Ani Gerald ay naging maganda sa kanya ang nagdaang taon at naging happy siya sa lahat ng nangyari.
“Masaya lang po ako sa ginawa ko sa 2016 and doble po ‘yung gagawin ko sa 2017.”
Wish ni Gerald na magpatuloy pa next year ang mga blessings at siyempre, more projects pa rin daw sana.
“At sana, sa personal life, mas masaya,” hirit pa ng aktor.
Teri Malvar pangungunahan ang Kids Choice Award
Kahapon (Dec. 23) ay ginanap ang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade na naging makabuluhan dahil after 42 years, mismong si Manila Mayor Joseph Estrada ang nanguna sa taunang Pista ng Pelikulang Pilipino.
Ang nasabing filmfest parade ay dinaluhan ng mga artista at production staff ng mga official entries na Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough, Die Beautiful, Kabisera, Oro, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, Vince & Kath & James, at Seklusyon.
Tuloy din ang parangal para sa Best Float at ihahayag ito sa Gabi Ng Parangal sa Dec. 29 sa Kia Theater.
Bukod dito, tuloy din ang Kids Choice Award na pangungunahan ng premyadong batang aktres na si Teri Malvar bilang head kid jury.
Malugod na tinanggap ng MMFF Execom ang mga endorsement at suporta ng iba’t ibang sektor at personalidad tulad ng ating Presidente Rodrigo Duterte, VP Leni Robredo, DepEd Secretary Leonor Briones, Congresswoman Vilma Santos, Congressman Alfred Vargas, John Lloyd Cruz, Alden Richards, Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz, at Mocha.
Vhong napi-pressure sa proposal
Masaya si Vhong Navarro para sa mga It’s Showtime co-hosts na sina Anne Curtis at Billy Crawford who recently got engaged sa kani-kanilang karelasyon na sina Erwan Heussaff and Coleen Garcia respectively.
“Sobrang happy kay Anne at Erwan. Gayundin kay Coleen. Siyempre, matagal din nilang hinintay ‘yun, at ‘yun ang isang pangarap ng isang babae.
“Yung maiharap sila sa simbahan at pangarap talaga ng mga kababaihan,” sey ni Vhong nang makatsikahan ng entertainment press sa presscon ng Mang Kepweng Returns na showing na sa Jan. 4, 2017.
Bilang lalaki, alam din ni Vhong na malaking responsibilidad para kina Erwan at Billy ang proposal.
“Kasi sila ‘yung mga lalaki,” say ni Vhong.
“Siyempre, kami ang mga lalaki, e. Kami ang gagawa ng paraan na kung ano bang magandang proposal ang puwedeng gawin.”
Kaya siya man daw ay mag-iisip na rin kung ano ang magandang proposal para sa girlfriend na si Tanya Bautista.