Palabas sa maraming provincial SM Cinemas ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers starring Vic Sotto.
Yup, since hindi officially ka-join ang mga sinehan sa probinsiya sa magbubukas na film fiesta, 2016 Metro Manila Film Festival, libre silang magpalabas ng gusto nila.
Isa ang Enteng sa mga pelikulang hindi napasama sa Magic 8 ng MMFF this year.
Malamang maging ang The Super Parental Guardians nina Vice Ganda and Coco Martin ay ibalik din sa mga sinehan sa probinsiya.
Pero nasa Metro Manila naman ang bulk ng manonood at ang kita sa MM ang basehan kung kikita ang mga pelikulang kasali sa MMFF this year na majority ay indie pero kakaiba naman ang kuwento at itinuturing na de kalidad.
Mocha Uson
Mocha hindi masyadong bumentang Ambassadress ng Quality Films
Hindi masyadong bumenta ang pagiging ambassadress ng sexy singer na si Mocha sa MMFF.
Feeling kasi ng iba, wala pa ngang ginagawang pelikula si Mocha kaya paano siya magiging ambassadress. Wala nga ba?
Totoo nga naman daw na siya ay kakampi ni Pres. Duterte pero ibang bagay na raw ang pagpo-promote ng pelikula lalo na nga’t ang sinasabi ng mga miyembro ng selection committee ng MMFF ay pawang quality ang kanilang pinili.
Naloloka rin ang ilang ordinary moviegoers sa ginawa ng taga-MMFF na si Juana Change o Mae Paner.
Sumakay kasi siya sa float ng Sunday Beauty Queen at may suot ding korona.