PBB house hindi nauubusan ng bisita
Grabe pala talaga ang fans ng kasalukuyang episode ng Pinoy Big Brother (PBB). Ang kapal ng audience tuwing eviction night at kahit normal na araw ay may dumadalaw din. Halos magsikip ang malapad na kalsada dahil na rin sa matinding traffic sa area. Inaabangan kasi ng mga tagahanga ang mga bet nilang housemates pati na rin ang mga host ng programa.
Ingat lang PBB fans dahil sa ginagawa ninyo baka madisgrasya kayo at ang mga sasakyan ay dapat mag-ingat din, hinay-hinay ang driving dahil baka makabundol kayo.
The other day naman ay may nagsisigaw, tilian at takbuhan. Akala ko may hindi magandang nangyari ‘yun pala lumalabas sa gate ng bahay ni Kuya na si Robi Domingo.
Sabagay, may K (karapatan) naman talaga siya, hindi lang dahil guwapo siya, matikas at astig manamit kundi dahil na rin sa napakahusay niyang magsalita at one of the best host ng programa ni Kuya.
Lani nami-miss na ang showbiz
Congratulations to Mayor Lani Mercado Revilla ng Bacoor, Cavite. Recently lang ay tumanggap siya ng highest award sa ngalan ng Bacoor City na pinaglilingkuran niya bilang ina ng siyudad.
Napaka-unlad na ng bayan ng Cavite kaya naman nakatanggap sila ng Seal of Good Local Governance mula sa Department Of Interior And Local Government, para sa local government unit.
Ito ang pangalawang beses na tumanggap ng ganitong award ang maganda at magaling na actress/politician na si Lani Mercado, former congresswoman na siyang mayora na ngayon ng Bacoor City. Ipinakita ng Gobyerno ng Bayan under Mayor Lani M. Revilla ang kakayahan niya na mamuno, magkaroon ng maayos na administrasyon, social protection, at disaster preparedness.
Kabilang na rin ang maayos na business friendliness and competitiveness, peace and order and environmental management. Malaki raw ang pasasalamat niya sa former mayor ng Bacoor na congressman na, si Strike B. Revilla sa magagandang bagay ng nangyayari sa Bacoor.
Malungkot si Mayor Lani dahil gusto niya buo ang pamilya niya kasabay ng mga magaganda at mga award na tinatanggap niya bilang politician. At sa puso niya, si Sen. Bong Revilla ang nasa likod ng kanyang tagumpay at sa gabay ng ating Poong Diyos. Balewala na ang mga prestigious award ang natanggap Mayor Lani & her council. Grabe ang galing! Pero ayon sa Mayora, nami-miss pa rin niya ang showbiz, kaya lang marami pang dapat gawin ang itinuturing na ina ng bayan.
Lovi tuluyan nang naging luka-luka
Napakaluka-luka naman daw ni Joanna (Lovi Poe). Ito ay ayon sa mga syonga na pilit ginagawang totoo ang napapanood sa TV at pelikula.
Nagagalit sila bakit daw pumapayag siya na isama sa bahay nila ni TJ (Tom Rodriguez) ang ex nito na si Irene (Max Collins) at sila ang mag-anyong magdyowa. Nakikita niya ang ginagawa nila bilang mag-asawa, tapos iiyak at magagalit siya. Mahal niya si TJ kaya pumayag siyang magsama silang tatlo sa iisang bubong.
E bakit daw kilala ni TJ si Irene pero si Joanna na totoong asawa niya ay hindi. Naiinis na raw sila kay TJ.
Ay ewan! Ma at pa!
- Latest