^

Pang Movies

Daniel hindi na kinaya ang concert sa Araneta!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Daniel hindi na kinaya ang concert sa Araneta!

Daniel

Naurong pala ang concert ni Daniel Padilla na naka-schedule sana sa February 2017 sa Araneta Coliseum. Ayon sa paliwanag ng Teen King, hindi raw talaga kakayanin ng kanyang schedule.

“Hindi kaya ng sched eh. Masyadong masikip, mahihirapan tayo. Matutuloy pa rin iyong concert pero hindi sa February dahil hindi kaya dahil sa pelikula, sa teleserye. Ang hirap naman magbigay ng show nang hindi ka handa. Siyempre dapat ready ka,” paliwanag ni DJ (tawag kay Daniel) sa panayam niya aired on Tonight With Boy Abunda.

Nagsimula na kasing mag-shoot sina Daniel a Kathryn Bernardo ng bago nilang pelikula sa Star Cinema under Direk Mae Cruz-Alviar na nakatrabaho na ng KathNiel sa dalawang pelikula (Crazy Beautiful You and 24/7 In Love).

Bukod dito, naka-schedule na ring umere ngayong February ang horror-action-fantasy series nilang La Luna Sangre na third installment ng Lobo at sequel ng Imortal na parehong pinagbidahan ni Anegl Locsin.

Sa ngayon ay wala pang definite date na ibinigay si Daniel kung kaylan na matutuloy ang nasa­bing major concert niya na may titulong DJ Classics Back at Araneta.

Matatandaang huling nag-concert si Daniel sa Big Dome last 2014.

Nora ayaw nang umasa sa Best Actress Award

Ayaw isipin ni Nora Aunor na siya na ang mananalong Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2016 para sa pelikula niyang Kabisera.

Ayon sa Superstar, hindi pa naman daw napapanood ng lahat ang mga pelikulang kasali sa MMFF at kung siya ang tatanungin, naniniwala raw siyang magagaling ang lahat ng mga bidang artista sa iba pang entries.

“Lahat ng lead actors ay magagaling. Depende lang yan sa ibinigay na roles sa kanila. Doon lang magkakatalo siguro. Nagkataon lang na mabigat, hindi naman mabigat kundi napakaganda talaga nung role na ibinigay sa akin, napunta sa akin,” pahayag ni ate Guy in an interview.

Hindi rin niya iniisip na siya ang Reyna ngayon sa MMFF since siya ang pinakamala­king artistang kasali at aniya, wala raw ‘yan sa artista kundi nasa bigat ng pelikula.

Ronnie muntik maduwag kay Julia

Ayon kay Ronnie Alonte, noong unang mga araw ng shooting nila ng Vince & Kath & James ay natakot daw siya sa leading lady na si Julia Barretto.

“Noong una, natatakot talaga ako kay Julia na kaeksena kasi baka mamaya, tarayan po ako,” natatawang sambit ni Ronnie.

“Pero nung nakilala ko naman po siya nang makasama ko siya sa set, mabilis naman po siyang pakisamahan,” dagdag niya.

Sobrang thankful lang ni Ronnie na nabigyan siya ng ganito kalalaking acting project. Parehong nakasama sa Metro Manila Film Festival ang kanyang dalawang pelikula na fortunately ay magkaiba ng genre.

Wholesome romantic-comedy for teens ang VKJ ng Star Ci­nema habang horror film naman ang Seklusyon ng Reality Entertainment.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with