Julia, Gerald at iba pang Kapamilya stars nagpasaya

Julia Barretto

MANILA, Philippines - Masaya ang Christmas party ng ABS-CBN for the entertainment press. Nakakahanga na binigyan din nila ng parangal ang mga nagmahal sa kanila kesehodang kinuha na sila ni Lord.

Walang kapagud-pagod ang mga emcee na sina Papa Ahwel at Jobert Sucaldito. Ang dalawa ang mga nagbasa ng mga nagwagi sa raffle draw.

Ilan sa mga bumisita ay sina Julia Barretto at Ge­rald Anderson at ilan pang Kapamilya stars.

Andoon din sina Kane Choa, na bossing ng Corporate Communications ng Kapamilya Network at si Ms. Cory Vidanes, Chief Operating Officer of broadcast for ABS-CBN na talagang sinilip ang party para sa entertainment press.

Maraming nagulat nang ang manalo sa major price ay si Manay Ethel Ramos. Sabi niya, huwag na raw kumontra ang iba dahil ngayon lang siya nanalo sa raffle.

Lahat ay masaya at walang umuwing luhaan. Salamat Kapamilya.

Movie writer nagpaalam kay Nora bago namatay

Napaka-dramatic ng pagyao ni katotong Dennis Adobas. Hindi mo aakalaing sa presscon pa ni Nora Aunor para sa pelikulang Kabisera siya huling nakita bago tuluyang kunin ni Lord.

Mahal na mahal ni Dennis si Nora Aunor at forever daw siyang Noranian. Mistula itong nagpaalam sa kanyang iniidolo na Superstar.

Nakadaupang-palad din ni Dennis ang mga kaibigang press sa ginanap na Christmas party ng Kapamilya bago siya nakapiling ni Lord.

Nakikiramay po kami sa naiwan ni Dennis.

Willie favorite sina Donita at Tekla

Halatang paborito ni Willie Revillame sina Donita Nose at Tekla. Super tawa kasi siya basta umaariba na ang dalawa sa harap ng camera.

Take note, hindi na pipitsugin ang mga suot ni Tekla ngayon. Sadyang kumuha na yata ng mananahi at stylist para kay Tekla. Nahihiya raw kasi ito na baka matalbugan pa siya ng outfit ng co-host na si Ariella Arida.

Araw-araw ay Pasko tuwing namimigay ng regalo si Willie sa studio ng Wowowin.

Show comments