Jane minalas kay Jeron Teng?!
Familiar sa showbiz fans, Salve A., si Jeron Teng na itunuturing na hero of the hour sa katatapos na laban between the Dela Salle Green Archers at Ateneo Blue Eagles.
Ituturing na Grand Champ ngayon ang Green Archers. And thanks to Jeron, na nagpakita ng kakaibang gilas sa katatapos na labanan, na ginanap sa Araneta Coliseum Wednesday night.
Well, kung bakit kilala si Jeron sa mga taga-showbiz ay dahil sa dating child actress, na naging housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother: All In, na si Jane Oñeza.
Dati raw crush ng binata ang dalaga. At nagmuntik-muntikanan na silang magkarelasyon, matapos lumabas ng PBB house si Jane.
Come to think of it, Salve A., sabay ng pagtigil ng usapang Jane-Jeron romance, parang naglaho pa rin ang promising showbiz career ni Jane.
Well, kay Jane, what happened?
Pia pinapangarap ng PBS contestant na maka-date
Given the chance, guess Salve A., kung sino ang gustong maka-date ng finalist bilang Pinoy Boyband Superstar na si Tristan Ramireez, ngayong Christmas?
Walang iba kundi ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach.
Matindi raw ang crush niya sa reigning international beauty queen, na kasalukuyang nali-link sa champion car racer na si Marlon Stockinger.
Well, obvious na alam ni Tristan na isang pangarap lang ito na hindi magkakaroon ng katuparan.
Pero ayon nga sa kasabihan, may karapatan ang bawat isa sa atin na mangarap. Tulad ng isa pang pangarap ni Tristan na magkasama sa limang mapipiling bubuo ng first Pinoy Boyband Superstar.
Malaking tulong daw ito sa kanilang pamilya, ‘pag nagkataon.
Tubong Bulacan ang 23 years old na si Tristan at isang construction worker daw ang kanyang ama. Ang ina naman niya ay nagtatrabaho bilang yaya ng isang mayamang pamilya sa Ayala Alabang.
Type raw niya na kapag nanalo siya sa kontes, ang mapapanalunan niyang P1-M ay may malaking bahagi siyang ibibigay sa kanyang mga magulang, para gawing puhunan sa isang negosyo.
Yes, kapag nanalo si Tristan bilang isa sa limang bubuo ng Pinoy Boyband Superstar, bawat isa sa kanila ay magwawagi ng P1-M. Plus a contract with Star Magic and a recording contract with One Music.
May bonus pang motorcycle from Yamaha.
Unang boyband mabubuo na
Tristan’ fellow finalists include Jaca Constancia, Tony Lubrusca at Russell Reyes, who all were born sa ibang bansa and, likewise, grew up there.
They all have Filipino parents.
The three others are Niel Murillo, from Cebu, Mark Oblea, Bacoor, at Ford Valencia ng Valenzuela City.
Ang naghu-host ng show ay si Billy Crawford. Mari-reveal ang mga mananalo sa Saturday, December 10 at Sunday, December 11.
Nasa kamay ng mga judges na sina Aga Muhlach, Yeng Constantino, Sandara Park at Vice Ganda, plus, of course, ng voting public, ang limang mapapalad na mananalo.
Let’s all wish them good luck.
- Latest