Pananakit sa anak ni Claudine, dinedma ng pamilya ni Raymart?!
Hindi na masyadong lumaki ang isyu ng pananakit umano ng anak ni Randy Santiago sa anak nina Raymart and Claudine Barretto?
Nauna nang nagreklamo sa social media si Claudine sa nangyari sa anak nilang si Santino na nagkaroon pa umano ng trauma. Pero hindi na ‘yun pinalaki ng kampo ng mga Santiago.
Nauna nang nagbanta ng demanda si Claudine laban sa kanyang pamangkin.
Xian Lim at Kim Chiu
Xian hindi raw kasama ni Kim sa ER!
Uy hindi pala true ‘yung kumalat sa social media na si Xian Lim ang kasama ni Kim Chiu nang isugod ang aktres sa hospital matapos mamaga ang kanyang mukha dahil sa alikabok days ago.
Kumalat kasi sa social media na umano’y kasama ni Xian ang kanyang nanay nang puntahan si Kim sa Emergency Room ng isang hospital.
Paano raw mangyayari ‘yun, eh sister ni Kim ang kasama niya at wala ang anino ng actor ayon sa source na dating fan ng magka-loveteam?
Anyway, maayos na raw ang lagay ni Kim sa kasalukuyan.
Allergy sa alikabok at seafoods ang Kapamilya actress.
By the way, sasalang na sa primetime next month ang comeback serye nina Kim and Gerald Anderson na Ikaw Lang ang Iibigin.
- Latest