^

Pang Movies

Carmen Soriano kuntento na sa mga barkadang biyuda at mahilig mag-mahjong

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Carmen Soriano kuntento na sa mga barkadang biyuda at mahilig mag-mahjong
Carmen Soriano

Kung nakamamatay lang ang pagiging guwapo ng lalaki at ganda ng babae, marahil ay may bumulagta na sa ginanap na presscon ng primetime afternoon series ng GMA-7, ang Ika-6 Na Utos.

Just imagine, si Gabby Concepcion ang tanging matured leading man at gaganap siya sa series bilang isang pilot.  

Sa nasabing series, may mga male actor na kasama si Gabby na mas bata sa kanya at mga pogi rin.

Pero parang pare-pareho lang sila ng edad nina Mike Tan, Marco Alcaraz, at Mel Martinez na as usual ay comedy role pa rin ang laging ginagampanan saan man panoorin.

Sa mga female star naman ay kagugulatan mo si Carmen Soriano, isa sa mga ipinagmamalaki ng music world dahil sa napakahusay na mang-aawit at ka-level niya si Pilita Corrales.

Natural senior citizen na siya, pero wala kang mababakas sa mukha at katawan niya na nagparetoke na siya. Ang ganda-ganda niya, unat na unat ang mukha na bahagya lang ang make-up.

Clean living daw kasi siya at may happy life, maagang mag-beauty rest sa gabi, at masaya na raw siya sa kanyang grupo na puro sila mga babaeng byuda, single, hiwalay at mahilig sa bisyong mahjong. Matagal na raw siyang loveless at wala siyang planong manlalaki. 

Another senior citizen na saksakan pa rin ng sexy, ganda, at walang bahid ng wrinkles sa mukha ay si Daria Ramirez. Swear to death, si Dadang (palayaw sa kanya) ay never nagpabanat ng mukha.

Tamang ehersisyo at balanseng pagkain daw ang kanyang sikreto. Higit sa lahat, clean living daw siya at hindi naninigarilyo.

Kahit noong bata pa raw siya, maayos siya sa kanyang sarili, at blessing daw ang GMA-7 sa kanya, at baka simula pa lamang ang pagiging Kapuso niya sa Ika-6 Na Utos, dahil may plano na ang network na bigyan sila ng kasunod na project of course with Carmen Soriano.  

Kasama rin sa casting ang magagandang female stars na sina Ryza Cenon, ang unang sumira sa Ika 6- Na Utos nang maging kabit siya ng pilot na si Rome (Gabby), Rich Ascuncion, Arriane Bautista, at ang bida na si Emma na gagampanan ni Sunshine Dizon.  

Ang magaling na babae sa likod ng kamera ay walang iba kundi si Laurice Guillen.

Kuya Germs ‘nakabantay’ pa rin kay Jake

Maganda pa rin ang takbo ng career ngayon ni Jake Vargas, na ayos lang dahil may acting ability naman siya, bukod sa guwapo at nadagdagan ang height. Dating alaga siya ni Kuya Germs. Malaki ang paniniwala ni Jake na gina-guide pa rin ni Kuya Germs ang kanyang career. Kasama siya sa cast ng Oh, My Mama! na magtatapos na sa Biyernes.

GABBY CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with