Charlene nilayasan pa-Amerika si Aga at kambal na anak!
Today, Tuesday, November 29, ang alis ni Charlene Gonzales papuntang US para sa kanilang yearly Christmas vacation with her family.
Susunod ang asawa niyang si Aga Muhlach kasama ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres, pagkatapos opisyal na ma-announce ang limang mananalong boys na bubuo ng pinaka-unang Pinoy Boyband Superstar ng bansa.
As we all know, isa si Aga sa mga gumaganap na judge ng nasabing programa kasama sina Yeng Constantino, Sandara Park at Vice Ganda.
In two weeks pa malalaman kung sinu-sino ang mananalo.
Twice yearly kung umalis ang mag-anak na Muhlach para magbakasyon sa US. Paraan na rin daw nila ito, ayon kay Charlene, para mabisita ang bahay na pag-aari nila sa Las Vegas, Nevada.
Bonding time rin daw ito para sa kanilang mag-anak, “We have to take advantage na in their teens pa lang sina Atasha and Andres.
“They both just turned 15.
“In a few years,” pahayag pa ni Charlene, “alam namin ni Aga na magkakaroon na sila both ng kanilang mundo.”
Nag-aaral sina Atasha at Andres sa makaibang international schools.
Vice natameme sa bf na basketbolista
Tiyak na bonus sana ang presence ng mga child actor na kasama ni Coco Martin sa nangungunang seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano, na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela, kung sila ay mapalad na napili sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 sa pelikula nilang The Super Parental Guardians.
Ito kasi ang first time na mapapanood sa pelikula sina Onyok at Awra kasama sina Vice at Coco.
At higit sa lahat, first time sana nilang sumakay sa float sa Parade of Stars, na taun-taon ginagawa.
As it is, Onyok and Aura were a riot nang mag-guest sila Sunday sa programa ni Vice Ganda, Gandang Gabi Vice. Ang ganda ng rapport nilang tatlo.
Bigay na bigay ang dalawa sa lahat ng hiniling ni Vice na gawin nila para mas mapaligaya ang mga manonood. And of course, para rin sa katuwaan nilang lahat.
Natameme nga si Vice nang tanungin siya ni Onyok kung may boyfriend siya at kung isang basketbolista ba ito.
Daniel negosyante na rin dahil kay Erich
Posibleng naimpluwensyahan ni Erich Gonzales ang boyfriend niyang si Daniel Matsunaga para magtayo ng sariling restaurant na Naxional/Diner, na karamihan sa sini-serve ay Brazilian at Italian food.
Dating co-owner ng kanyang former boyfriend ng dalawang restaurant si Erich. Ang isa doon ay pawang pang-agahan lang ang sini-serve.
Mga ilang buwan pa lamang daw, ayon kay Daniel, nang magbukas ang restaurant and they are doing brisk business na.
Restaurant owner na rin si Billy Crawford at Sangkap ang name ng kanyang eatery. Ayon kay Billy, ang kanilang specialty ay Pilipino cuisine. Kao-open naman ng Skinita, a restaurant which Arjo Atayde co-owns with a friend na nagsi-serve ng mga sikat na Pinoy streetfood.
Katatapos lang ng series na Be My Lady ni Daniel kunsaan ang kanyang leading lady ay si Erich. Si Billy naman ay busy sa kanyang hosting job sa It’s Showtime araw-araw at sa Pinoy Boyband Superstar na napapanood naman tuwing Sabado at Linggo.
Lutang na lutang ang pagiging kontrabida ni Arjo sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
- Latest