Kung kinu-consider nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinaka-mature film nila ang Barcelona: A Love Untold dahil nga may torrid silang halikan sa pelikula na hindi lang isa kundi dalawa, sinabi ni Kathryn na i-expect na nating mas daring ang susunod nilang gagawin ni Daniel.
Nang matanong naming ang dalawa kung handa na ba sila rito, “As if we have a choice,” ani Kathryn, clasping her hands. “Hindi na rin kasi kami ngayon tulad ng dati na teenagers pa.
“We have matured as well like most of our following.”
Although they’re been told na ang kanilang susunod na project ay isang series, puwede ring muli ay isang movie.
“Actually, we don’t want to talk about work muna,” ani Daniel. “Until matapos ang Christmas, we will not be doing anything muna, we are told.
“So, sabi ko kay Kathryn, bakasyon grande muna tayo.”
Vice biglang nabago ang plano sa Pasko
Hindi pa nakakapag-decide si Vice Ganda kung sa U.S. siya magpa-Pasko para makasama ang ina at ang iba pa niyang kapamilya.
“Hindi kasi pumasok sa isipan ko ang umalis ng Pilipinas, dala nga na akala ko may Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ako, tulad last year,” paliwanag ni Vice.
But as is common knowledge, ang pelikula nga niyang The Super Parental Guardians, kung saan kasama niya muli si Coco Martin sa ikalawang pagkakataon ay hindi napili sa Magic 8 ng nasabing filmfest.
Directed by Joyce Bernal and produced by Star Cinema, kasama rin sa pelikula ang dalawang child stars na feature sa FPJ: Ang Probinsyano na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela.
“Tunay na Pamaskong handog sana sa mga bata, well, sa buong pamilya ang pelikula. It’s laughter, from beginning to end.
“Plus factor kasi ang inclusion nina Onyok at Awra, para maging lalong nakakatuwa at nakakaaliw ang pelikula,” susog pa ni Vice.
It cannot be denied that it was the hilarious combination nina Vice at Coco ang dahilan kung bakit ang una nilang pelikula na The Beauty And The Bestie ang naging ultimate top grosser in last year’s MMFF.
Not to say, of course, that it was a well-done movie dahil si late Wenn Dera mas ang nag-direk. Last year’s MMFF reportedly grossed a total of about P1.2B. Yes, P1.2B.
Nearly half of this amount, well, a total of P500M something, was earned by the Beauty and The Bestie.
PAO Chief Persida Acosta, tameme sa relasyon nina Sen. De Lima at Ronnie Dayan
Chief of the Public Attorney’s Office, Persida Rueda-Acosta treated members of the entertainment media to a pre-Christmas party mid-November. As she says: “I want myself the first one na makasalamuha n’yo for the coming Christmas season.”
Kung sabagay nga naman, daig ng maagap kahit ang isang masipag.
But which Atty. Persida can claim to be both.
Fourth placer siya sa 1989 Bar Examinations, at si President Gloria Macapagal-Arroyo ang pumili sa kanya para pamunuan ang PAO noong 2001.
She still holds the same position to date, bagama’t may balitang baka ma-promote siya bilang Associate Justice of the Supreme Court anytime soon.
Friendly, despite her numerous accomplishments as a public servants, Atty. Persida took time na makipag-exchange notes sa kanyang mga bisita, tungkol sa iba’t ibang issues, lalo na at may kinalaman sa mga gusot na kinasasangkutan ng mga opisyales ng ating gobyerno.
At that time, hindi pa gaanong kasing tindi, tulad ngayon, ang issue between Senator Leila De Lima and her supposed lover, Ronnie Dayan.
In any case, guess how Atty. Persida reacted?
Well, hindi nag-comment si Atty. Acosta at sa halip ay sinabing maswerte siya dahil ang kanyang marriage ay intact at mababait ang dalawa niyang anak.