Ariel nagpaalam muna kay Ogie bago bisitahin si Regine

Ang muling pagiging busy ni Ariel Rivera sa bago niyang afternoon prime drama series sa GMA-7, ang Hahamakin Ang Lahat ang gamot niya sa pangungulila nila ng wife niyang si Gelli de Belen sa dalawang anak na sina Joaquin at Julio. 

Dinala na pala nila ni Gelli ang mga anak sa Canada at doon na sila mag-aaral. Kahit wala pa sa high school, pero sanay na rin naman ang dalawang bata dahil madalas silang pumunta ng Canada para dalawin ang family ni Ariel, kaya walang pangamba ang mag-asawa na iwanan ang mga anak nila.

Naikuwento iyon ni Ariel kay Regine Velasquez, nang mag-guest ang tinaguriang Kilabot ng Kolehiyala sa Sarap Diva, kasama ang isa pang dating mag-sweetheart na sina Jackie Lou Blanco at Lloyd Samartino. 

Mas comfortable na silang pag-usapan ang mga nakaraan dahil biro pa ni Ariel hu­mingi pa siya ng certification kay Ogie Alcasid na puwede siyang mag-guest sa Sarap Diva. Ang ganda pa rin nilang pakinggang mag-duet dahil doon daw sila eksperto.

Jackie Lou at Lloyd magbabalikan?!

Samantala, maging totoo kaya ang sinabi ni Lloyd Samartino kay Jackie Lou Blanco na ngayon daw ay na-realize niyang si Jackie Lou pala ang dapat na girl niya noon? Nagkatanungan pa sila ng real status nila ngayon. Na sagot ni Jackie Lou, annulled na siya at si Lloyd naman ay biyudo na. May second time around kaya ang love nila sa isa’t isa?

Thankful naman si Jackie Lou sa mga nanonood ng Someone To Watch Over Me dahil patuloy ang mataas na rating ng kanilang inspirational drama series na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 after ng Alyas Robin Hood.

Maine at Alden nakakapagpagaling daw ng may sakit

Kaya naman palang maging speaker si Maine Mendoza sa mga talk para sa youth. Last Friday nga ay naging Keynote Speaker siya ng The 7th PANAF Youth Congress sa The Elements Centris in Diliman, na pinamagatang Success Re-Defined. Iba-iba ang topics of discussion at si Maine ang nagsalita tungkol sa pagiging newbie pa lamang niya sa showbiz.  Inamin ni Maine na hindi niya alam kung paano sisimulan ang kanyang speech na pinagpu­yatan din niya ang pagsulat. 

Nag-decide siyang i-share sa audience kung sino siya at kung paano siya napasok sa kinalalagyan niya ngayon. Pero ang tanong niya sa sarili niya, “ba­kit ako, bakit ako narito, hindi naman ako ganoon kaganda, wala akong alam sa showbiz,” at ikinuwento rin niya kung paano nga siya nag-audition sa Eat Bulaga. 

Tiyak nawala ang nerbyos ni Maine dahil nagtatawanan ang audience sa kuwento niya. Pero ang isa ngang tanong ni Maine, ba­kit siya narito sa kinalalagyan niya.

“Nang marami nang nakikipag-usap sa amin ni Alden (Richards) na mga may sakit, na gumagaling sila sa sakit nila, na napapasaya namin sila sa panonood sa amin, doon ko na-realize na iyon pala ang dahilan kung bakit ako narito. Na nakapagbibigay kami ng inspirasyon sa kanila, na napapagaling namin ang sakit nila sa ibang pamamaraan, sa pamamagitan ng panonood nila sa amin, nasagot na kung bakit ako narito. Narito ako para magpasaya sa inyo!”

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang mga blessings na dumarating kay Maine, sa pamamagitan ng mga endorsement, na halos lahat yata ay nag-renew na muli. Labis-labis ang pasa­salamat niya sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.

Show comments