Nabawasan ang lungkot na nadarama ni Jennylyn Mercado sa bakasyon nila ni Dennis Trillo sa Amsterdam. Larawan kasi ng kaligayahan ang Ultimate Star sa pictures na naka-post sa social media nilang dalawa ng boyfriend.
Tanging si Dennis ang sandigan ni Jen ngayong wala na ang kanyang Mommy Lydia. Hindi pa siya fully recovered sa huling salang niya sa taping ng Superstar Duets.
Eh dahil wala pa si Jen sa taping bukas ng Superstar Duets, si Regine Velasquez-Alcasid muna ang hahalili sa kanya. Naintindihan naman ng GMA-7 ang damdamin ni Jen kaya pinayagan na rin siyang magbakasyon muna.
Sa Saturday before Christmas ang target na grand finals ng contestants sa SD. Hopefully, balik na sa dati niyang sigla si Jennylyn, huh!
Paolo best replacement daw kay Vice
Pormal nang sinelyuhan ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang pag-distribute at pag-market ng festival entry na Die Beautiful. Nakipagkasundo na sila sa producers ng movie na Idea First Company nina directors Jun Lana at Perci Intalan.
All-out naman ang mag-ina sa promotions ng movie. Top grosser ang target nila dahil naniniwala silang dumating na ang panahon ng bidang si Paolo Ballesteros.
Napanood na ni Mother Lily ang movie at hindi raw siya inantok. Naniniwala siyang mabibigyan din ng Best Actor Award si Pao sa movie gaya ng pagbigay sa kanya ng same award sa Tokyo International Film Festival.
Wala mang Vice Ganda movie sa filmfest, nariyan naman si Paolo upang magbigay saya sa manonood, huh! Best replacement kumbaga, huh!
Jazz bida na agad sa Indonesian Film
Indonesian film pala ang ginagawang horror movie ng Kapuso actress na si Jazz Ocampo. Take note na bida siya rito at hindi one of those lang, huh!
Ang horror film ni Jazz ay may title na Santet o Black Magic sa English. Habang nagsu-shoot, mabilis naman daw niyang nakasundo ang co-stars na Indonesian.
Isa nga rito ang gumanap na little sister niya na si Meittzy. Nag-iwan ng comment ang co-star niya sa picture nilang dalawa sa social media.
“@meitzkeh Hey…That is my girl Bali…@ocampojazz.”
Direk Erik Matti masaya sa napiling Magic 8!
Nanguna si Direk Erik Matti sa panawagan ng pagbabago sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Binakbakan ng director ng Executive Committee ng MMFF last year nang balewalain ang entry niyang Honor Thy Father sa awards night.
Napunta sa Kongreso ang hinaing niya. Nakamtam naman niya ang nais niyang pagbabago.
Sa eight official entries this year, napili ang movie ni Matti na Seklusyon. Kaya post niya sa kanyang Facebook account, “More than #Seklusyon getting in, I am so happy with the line up of the films. This is the change we are all wishing for in #MMFF2016.”