MANILA, Philippines – Sobrang ingay yata ng relasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano ngayon. Araw-araw na lang may pralalang matindi ang pagmamahalan ng dalawa. Sana huwag humantong at matulad sa relasyon ni Luis kina Angel Locsin at Jennylyn Mercado.
Kulang na lang sabihin kung saang simbahan ba sila ikakasal. Naku, ayaw ng fans ni Luis ng ganyan.
Ian sinuwerte ngayong 2016
Maswerte ang taong 2016 para kay Ian Veneracion. Nabigyang-pansin ng ABS-CBN ang pag-arte ng actor na magaling ding magpinta. Graduate ng Fine Arts si Ian sa UST at nakapag-exhibit na rin noon sa Makati.
Dati kasi, puro si Richard Yap ang nabibigyan ng mature role sa Kapamilya. Take note, dahil ngayon, hindi ordinaryong role ang nakatakdang gampanan ni Ian sa upcoming series ng ABS-CBN.
Makakapareho niya si Bea Alonzo sa nasabing serye at sa Germany ito gagawin.
Sa totoo lang, mas may potential si Ian kumpara sa mga kasabayang artista. Una siyang nabigyan ng break sa movie ng producer na si George Pascual ng GP Films sa pelikulang Anak Ni Mang Kepweng starring Chiquito at Liza Lorena.
Malaking bagay ang pagkawala ng ingay ni Ian na pilit inili-link kay Jessy Mendiola. Wala naman kasing katotohanan kaya walang saysay pag-usapan.
Pacman sinisikreto ang 10 libong bahay na naipagawa
Marami ang nagtataka, bakit naman daw sa rami ng nailibre ng Boxing Champion na si Sen. Manny Pacquiao noong maglaban sila ni Jessie Vargas sa Las Vegas ay bukod tanging si General Bato Dela Rosa ang na-single out na pag-usapan. Tiyak walang kokontra kung sabihing maraming politician ang nailibre ni Manny pero walang nabalita kundi si Gen. Bato.
May nagkokomento tuloy, dahil siguro raw matunog ang pangalan ngayon ng nabanggit na general kaya ito iniintriga. Natuklasan namin na sampung libong bahay pala ang naipagawa ni Manny sa Visayas at Mindanao lalo na sa biktima ng Typhoon Yolanda pero ayaw niyang ipamalita. Lumitaw tuloy ang katotohanang idol niya si Late Fernando Poe, Jr. (FPJ).
Oh, My Mama grabe ang iyakan
May nagtatanong, hindi raw kaya pinagsasawaan na ang kasisigaw at pagmumura ng kontrabidang girl sa teleserye ng Oh, My Mama?!
Araw-araw daw ang pananakit nito sa mga batang lansangan kaya naglilipat na lang ng channel ang mga nanay na adik sa teleserye tuwing hapon. Nakakasawa rin daw ‘yung palaging nagmumura at nagagalit na napapanood nila.
Naaasar din sila kay Yul Servo dahil sa pagiging malupit nito sa mga bata. Sa tunay na buhay, ibang-iba po ang ugali ng pulitikong taga-Tangos, Baliuag, Bulacan na si Yul.