^

Pang Movies

Prince pinagsisisihan ang pagbuko sa maliit ang ari ni Aljur

PIK PAK BOOM - Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Prince Stefan na nagkamali siya nang i-reveal niya sa podcast ni Mo Twister na Good Times with DJ Mo Twister kamakailan ang tungkol sa pagkalalaki ni Aljur Abrenica nang magkasama sila sa isang out of town gig maraming taon na ang nakararaan.

Recently lang nag-out si Prince na gay kaya that time, lalaki pa ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.

Sa nasabing panayam ni DJ Mo, nabanggit niya na pareho silang nasa bath tub ni Aljur nang time na ‘yun at naka-briefs lang sila. Dahil nga gay na siya noon, nilandi-landi niya ang ka-batch sa StarStruck hanggang sa nakahalata raw itong isa at na-awkward kaya umalis na lang sa bath tub.

Nang tanungin ni DJ Mo kung malaki ang private part ni Aljur at sagot ni Prince “hindi masyado”.

Naging issue agad sa showbiz ang sinabing ito ni Prince at naging usap-usapan na agad ang “maliit” na size ni Aljur.

Sumagot naman si Aljur at nagsabing baka raw ugat lang ang nakita ni Prince.

Sa presscon kahapon ng Working Beks kung saan isa sa cast si Prince ay ang issue nila ni Aljur ang paulit-ulit na itinanong sa kanya.

“Nag-sorry na ako sa kanya, nagbigay pa ako ng cake,” pahayag ni Prince.

Na-realize raw niya ang pagkakamali agad lalo na nga’t naging issue kaagad.

“Sana, hindi ko na lang sinabi. May nakarating sa akin na sana, hindi na nakarating sa ganu’ng level na i-explain ko pa kung ano’ng size ng kanya. ‘Yung part na ‘yun, medyo mali ako ru’n. Dapat ‘di ko na. . .

“Kasi, si Mo naman kasi ang nagtanong, eh. Out of nowhere, ‘malaki ba? Malaki ba?’ Sabi ko, ‘hindi masyado’. ‘Yun ang sinabi ko. Wala akong sinabing ‘maliit’.”

Nag-sorry na raw siya sa text pero hindi raw nagre-reply si Aljur.

“I’m sure, hindi naman siya super-galit. Light lang ‘yun,” say ni Prince.

Samantala, masayang-masaya naman ang kaa-out lang na aktor na simula nang aminin niya ang tunay na kasarian ay  nagdagsaan sa kanya ang mga projects. Ngayon ay nasa ABS-CBN na siya at napanood nga recently sa Till I Met You.

Sa pelikulang Working Beks ng Viva Films ay isa sa bida si Prince kasama sina John Lapus, TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman, and Joey Paras mula sa direksyon ni Chris Martinez. Showing na ang movie sa Nov. 23.

Ginagampanan ni Prince ang role na bading na nagtatrabaho sa call center at say nga niya, sobrang happy siya to be doing this film and in fact, nag-audition pa siya para sa role.

Habang wala pang anak Angelica bibili muna ng maraming aso at pusa

At 30, nasa marrying age na si Angelica Panganiban at lalo namang nasa wastong edad na siya para maging isang ina. But since sabi nga niya ay hindi pa raw niya natatagpuan ang lalaking sa tingin niya ay makakasama niya for the rest of her life, it follows na hindi pa rin siya magkakaron ng anak in the near future.

Aware naman si Angelica na may certain age na tamang-tama sa pagbubuntis pero kung talagang hindi pa raw niya nakikita si Mr. Right, wala raw siyang magagawa.

“Well, kailangan mong tanggapin ‘yun, ‘di ba, eventually na kung hindi para sa iyo, hindi para sa ‘yo. Kung para sa ‘yo, ‘di salamat. Pero kung hindi, move on tayo at bili ka ng maraming pusa at aso,” natatawa niyang sabi.

Dahil ilang beses na nga siyang nagmahal at nasaktan, it doesn’t mean na titigil na siya sa pagmamahal. Pero aniya, sa ngayon, ang gusto niyang maging focus muna ay sa kanyang sarili.

“Self-improvement. Kung baga sa bahay, nire-renovate. Ganyan.”

Kailan ba niya masasabing dapat ipaglaban ang pagmamahal?

“Hindi ko alam. Hindi naman ako expert pagdating sa pagmamahal, sa relationship. So, hindi ko masasabi kung hanggang kailan ka dapat lumaban. Nasa sa iyo ‘yan. Pero sana, huwag lang mawawala sa‘yo ang respeto mo sa sarili mo at sa ibang tao.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga babaeng nagmahal at nasaktan?

“Basta ‘pag nagmahal ka at nasaktan, magpaganda ka after. ‘Yun naman talaga ang pinakamagandang advice,” nakangiti niyang sey.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

DJ MO TWISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with