Napapansin na ang pagbabago ng sexual preference ng isang artistang babae. Palibhasa, nasanay na ang mga kaibigan ng aktres sa showbiz na tomboy ang lagi niyang kasama kaya gulantang din sila, huh!
Pero ngayon, lalaki na ang kabuntot palagi ng aktres. Ang tsika, nag-fall out of love na si aktres sa tibong kapartner.
Lalaki naman dati ang gusto ng aktres. Nagkaroon nga sila ng anak sa non-showbiz guy. Pero nauwi rin sa wala ang relasyon niya at sumubok sa tonggril, huh!
Hindi nga lang matagal ang kanilang relasyon. So ‘yung kaibigan ng aktres, dedma na lang sa bagong kaligayahan ng kaibigan lalo na’t may datung na rin naman siya, huh!
JC trophy ang ipinalit sa diploma
Best Actor si JC de Vera sa QC FilmFest indie movie na Best Partee Ever. Ito ang unang acting award niya pero never pumasok sa ulo niya na magaling na siyang aktor.
“Back to normal lang ako. Tuloy pa rin ang pagbubuti sa trabaho,” saad ni JC sa pocket presscon ng movie nila ni Nathalie Hart na Tisay.
Ngayon lang kasi nakakapili si JC ng pelikulang gusto niyang gawin. Dati kasi hindi siya makagawa ng indie. So nang tanggapin niya sa Best Partee Ever, nagkaroon siya ng fulfillment bilang artista at nagsilbing regalo niya sa mga magulang.
“Ang regalo ng magulang ko sa akin is education and ginib-ap (give up) ko ang regalo nila sa akin para lang sa industriyang pinasok ko. Siyempre, sobrang happy ako na na-reach ko ‘yung goal ko. Hindi man ako nasabitan ng medal dahil grumadweyt ako pero meron akong ibibigay sa kanila in return na ito rin ang pinaghirapan ko. Na puwede kong iregalo in return,” rason ng aktor.
Sa panalo niya, happy and fulfilled daw ang magulang niya. “Kahit alam nilang hindi ko nasunod ‘yung dream nila for me, ang maka-graduate. Hindi ako nakapag-college eh. Give up ko lahat ‘yon because of this industry.
“Nakapasok ako ng first year, isang sem at hindi ko natuloy.
“‘Yun ‘yung validation talaga. At least may something ako na ibigay sa kanila in return,” saad ni JC.
Sa Tisay, meron silang love scene ni Nathalie. Pero ayon sa aktor, mas human ‘yung performance nila at hindi exaggerated ang lampungan nila, huh!
Paolo handang magtiis alang-alang sa ekonomiya
Payag si Paolo Ballesteros na makasama si Vice Ganda sa isang pelikula. Ayon naman kay direk Jun Lana, “Super riot ito!”
After manalo bilang Best Actor sa Tokyo International Film Festival para sa movie niyang Die Beautiful, ready na si Pao sa paggawa ng pelikula. Kahit magkatapat ang noontime show nilang dalawa ni Vice, pagdating naman sa movie eh freelancer siya.
Eh handa na ring maglagare ng trabaho si Paolo. Dati eh, umaayaw siya sa lagareng trabaho. Dahil sa magandang feedbacks sa performance niya sa Die Beautiful, handa na siyang magtiis alang-alang sa ekonomiya, huh!