If ever, baka magkaroon ng talk show si Kris Aquino with top rated broadcaster ng TV5 and Radio Cinco, walang iba kundi si Erwin Tulfo.
Under negotiation pa raw ito. Pero bakit hindi, maganda ang tandem nila, parehong maboka, madada at mataray. Lalo sa katotohanan, hindi pwedeng kontrolin si Kris kaya nga siya may titulong Queen Of Talk. Tapos may Erwin pa, sino naman ang maglalakas-loob na harangin si Erwin, kahit saksakan mo pa ng sibat ‘yung bunganga niya, hindi pa rin siya papatigil.
Ang sarap siguro nilang panoorin at pakinggan sa show na pagsasamahan nila na wala pang title. Siyempre aalamin muna ang mga do’s and don’ts ni Kris na parte ng negosasyon.
Pancho tawag pansin ang hitsura
Magaling na artista si Pancho Magno. I’m sure, hindi pamilyar ang pangalan niya sa inyong pandinig. Tawag pansin ang mamang ito dahil siya ay matangkad, artistahin at mestisuhin.
Dahil na-curious ako, ipinagtanong ko kung sino ang hindoropot na ito sa na napapanood sa Encantadia.
Isa siya sa mga karakter at mahaba ang role sa iba pang TV shows ng GMA-7. Last Saturday naman ay napanood ko siya at heavy ang role niya sa Magpakailanman ni Mel Tiangco. Taka note, bida siya dito at ginampanan niya ang role ng isang sundalong nabulag dahil sa naganap na encounter sa Mindanao.
Si Pancho Magno ay anak ng head ng isang department ng GMA-7, walang iba kundi si Redgie Magno kaya may malaking K si Pancho sa larangan ng showbiz. Pwede siyang bida at kontrabida.
Young actor halata raw ang luslos
Tsismis ni Tsuppatid na parang may luslos ang isang young actor. Napuna kasi ito ng aming Tsuppatid at ikinakalat niya ng palihim sa ilan naming katoto na hindi daw pantay ang betlog, na ang kaliwa ay malaki at ang kanan naman ay maliit. At natawa siya, okey daw yun, tutal dako naman daw ang espada! Pwe!