Isa si Senator Kiko Pangilinan sa mga dismayado sa desisyon ng Korte Suprema sa botong 9 versus 5 kahapon na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos.
“This is a horrible day for democracy.
“Thanks to the Supreme Court the Philippines will be a laughing stock of the world. We kicked out a reviled dictator and now we are honoring him by burying him in our national heroes cemetery. No less than our Supreme Court wants our citizens, our children to honor a plunderer and tyrant. This is shameful and deplorable.
“Now the Supreme Court wants Mr. Marcos who it previously called a ‘dictator…who caused twenty years of political, economic and social havoc in the country’, buried alongside our heroes…” bahagi ng statement ni Sen. Pangilinan.
Sa statement naman ng dating senador na si Bong Bong Marcos, anak ng dating pangulo, bukod sa pasasalamat sa unang bahagi ng statement niya, nagsabi pa siya ng, “Once again, the Supreme Court has taken magnanimous act to uphold the rule of the law.
“We would like to extend our sincerest gratitude to President Rodrigo Duterte as his unwavering commitment to this issue sustained us these past several months. Our family will forever be thankful for his kind gesture.
“Our sincerest hope that this will lead the nation towards healing as we endeavor to move the country forward to give every Filipino a better life.”
Maging sa showbiz ay hati ang damdamin sa desisyong ito ng Korte Suprema. Tiyak na kasunod nito ang labanan ng Duterte supporters at haters, huh!
Area ni AiAi sa walong sinehan lang ipalalabas
R-18 at Graded A ang nakuha ng pelikulang Area na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas. Showing na ito ngayong araw pero base sa post ni Sancho delas Alas na bahagi ng movie, walong sinehan lang ang pumayag na pagpalabasan nito.
Next week, November 16 pa magbubukas sa anim na sinehan.
Eh sa SM Cinemas kasi, bawal nang magpalabas ng movie na R-18 ang rating. Kaya ‘yung mga sexy film ay walang makuhang sinehan sa SM malls.
Nakakapanghinayang na konting sinehan lang ang pumayag ilabas ang Area dahil maganda na ang movie, eh magagaling pa ang mga artista lalo na si AiAi.
Mataray na aktres bumabaha ng alak pag nagpapakain!
Miss Bahamas ang tawag ng katrabaho sa isang kilalang aktres. Pag may okasyon kasi ang mga kaibigan o kasama sa trabaho, siya ang laging taya sa gastos at bumabaha ng food at inumin, huh!
May katarayan man kasi ang image ng aktres, marunong naman siyang mag-appreciate ng katrabaho lalo na kapag malapit siya sa may kaarawan.
Pero kung bumabaha ng pagkain, bumabaha rin ng alak dahil alam nilang laklakera rin ang aktres, huh!