Pia at PNP Chief Bato nakisaya rin sa stage, Pacman parang hindi 37 kung gumalaw

Senator Manny Pacquiao

Malakas pa ang resistensya ni Senator Manny Pacquiao! Ipinamalas niya ang tibay ng katawan nang talunin niya ang kampeon na si Jessie Vargas at nakuha ang WBO Welterweight belt sa tinalong kampeon kahapon sa Las Vegas.

Hindi man na-knockout ni Pacquiao si Vargas, nakaabot naman siya ng hanggang 12 rounds to think na 37 years old na siya, huh! Kayang-kaya pang lumaban sa susunod kung hindi pa talaga siya magri-retire, huh!

Ang nakakabilib na supporter niya ay ang ating Miss Universe na si Pia Wurthzbach. Hanggang sa stage after manalo ni Manny katabi siya ng Pambansang Kamao. Nasa stage rin si PNP Chief Ro­nald “Bato” dela Rosa na nagbubunyi sa panalo ng kaibigan at kumpare.

Medyo napunta sa sidelights ang ibang suppor­ters ni Manny this time. Gayunpaman, dama pa rin ang suporta nila sa ating Pambansang Kamao. Eh kung si Floyd Mayweather nga ay nandoon sa laban upang panoorin si Pacman, huh!

Pero sa interview kay Manny, sinabi niyang personal niyang inimbitahan si Mayweather upang manood.

Pero hindi pa rin nawala ang haters ni Manny sa panalo niya. Dedma na lang lalo na’t everybody loves a winner, huh! Mas angat ang pagmamahal sa kanya ngayon kesa galit, huh!

Bong sangkatutak ang lab test

Hanggang ngayon ay naka-confine pa sa ospital si Senator Bong Revilla, Jr. Isinugod siya sa ospital sa Camp Crame nitong nakaraang weekend dahil sa pagsusuka.

Dahil hindi pa rin umige ang kundisyon, dinala siya sa St. Luke’s Taguig at naka-confine pa rin hanggang ngayon. Kailangan kasing sumailalim pa ng iba’t ibang tests ang senador. Ayon sa  tagapagsalita ng PNP na si Dionardo Carlos, sasailalim sa pagsusuri sa dugo, gastroscopy, treadmill stress test at pulmonary function test ang senador.

Kasama ni Sen. Bong ang asawang Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla habang nasa ospital.

Juday pinagkawanggawa ang anak!

Ipinadama agad ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa panganay na anak na si Yohan ang pagi­ging charitable sa nakaraang birthday niya.

Sa posts ni Juday sa Instagram account niya ng pictures ng birthday ng anak, dinala niya ang twelve years old na anak sa Elsie Gaches Village. Bukod sa handaan, namigay rin sila ng pera sa tao roon na nangangailangan ng tulong.

Of course, nasabi na ni Juday sa pa­nganay na anak ang pag-ampon sa kanya. Kaya naman sa bahagi ng caption ng aktres, “You will forever be mom and dad’s baby girl!”

Show comments