MANILA, Philippines - Sa Japan nag-celebrate ng birthday at holiday ang kongresista at Star For All Seasons na si Vilma Santos kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Matagal ding hindi nakapagbakasyon si Ate Vi kaya sinamantala niya ito. Tiyak naman na magiging abala sila sa kongreso ngayong nagbalik bansa na siya.
May mga nagtatanong, bakit slim si Ate Vi gayung malakas naman itong kumain. Well, nadiskubre namin ang kanyang sikreto. Every morning pala paggising ni Ate Vi ay dance to the max siya ng zumba. Hindi pa man ito uso ay aktibo na si Ate Vi sa paggiling tuwing umaga.
Samantala, sayang pala ‘yung planong pagsamahin sina Ate Vi at Superstar Nora Aunor sa play na Larawan na tinampukan noon nina Lolita Rodriguez at Charito Solis. Malaking istorya sana ito sa showbiz industry.
Beverly Vergel nag-iingay sa Canada
May nasagap kaming balita from writer friend na si Nap Alip na galing ng Toronto in Canada. Ayon kay Nap, nanalo ng Best Director award ang writer-director-actress na si Beverly Vergel sa Canadian Diversity Film Festival sa unang directorial job niyang Living Instead. Nanalo rin ito ng award sa Spain at Brazil.
Mabait si Beverly at hindi pa rin nagbabago kahit sikat na sa Canada. Matagumpay daw na negosyante ang anak niyang si Tracy Vergel na Star Magic talent noong araw.
Sarah tambak ang endorsements
Mabuti na lang at maraming commercial endorsement si Sarah Geronimo. Kung hindi kasi, baka makalimutan na siya dahil hindi siya napapanood sa TV at maging sa movies maliban sa ASAP. Palagi na lang kasing sweetness nila ni Matteo Guidicelli ang napag-uusapan tungkol sa kanya.
Well, mabuuti na siguro ang ganitong situation kaysa naman laging nakabantay pa rin si Mommy Divine sa kanya.
Rosemarie de Vera miss na miss ang buhay sa ‘Pinas
Nagbalik bayan sandali ang aktres beauty queen na si Rosemarie de Vera. Naging Mutya ng Pilipinas noon si Rosemarie at ngayon ay sa California, USA na sila naninirahan ng kanyang pamilya.
Dalaga at binata na rin ang mga anak nila at puwedeng mag-artista. Nakatambal ni Rosemarie ang mga bigating action star noon tulad nina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez, Bong Revilla, at Anthony Alonzo.
Kwento ng aktres, kahit daw ano’ng saya sa ibang bansa hinahanap-hanap pa rin niya ang buhay dito sa ‘Pinas lalo na ang kulturang Pilipino.