Sampung taon na mas bata kasi Pacman ayaw mag-pramis na mana-knockout si Vargas!

Sen. Manny Pacquiao

Nasa Las Vegas na ang eight-division world champion na si Sen. Manny Pacquiao para doon ituloy ang kanyang training para sa nalalapit na laban niya sa boxing ring kay American boxer Jessie Vargas.

Sa November 6 (Philippine time) na ang laban niya at ina-assure niya ang mga kababayan niya na kaya niya ang laban na ito.

Nasabi pa ni Pacman na “there is nothing to worry about.”

Dagdag pa niya: “Okay naman ‘yung pakiramdam natin, ‘yung kondisyon natin. Handa na tayo. ‘Yung workout natin ngayon, light na lang para hanggang sa Saturday, kondisyon talaga tayo.

“Okay naman ‘yung confidence level natin, no­thing to worry about…. Maganda, maganda ito. I’m excited for Saturday.”

Kinukunsidera ni Pacman na pinakamatindi ang laban niyang ito kay Vargas dahil sampung taon ang agwat ng edad nila. 27 years old lang si Vargas.

Pero wala raw sa edad iyon kundi sa confidence ng kanyang performance sa ring.

“I know his feeling. Alam ko ‘yung pakiramdam niya ngayon.

“That’s why hinanda na natin nang mabuti ‘yung sarili natin sa training. Ginawa natin ang lahat sa ensayo,” diin pa ni Pacman.

Natuwa naman si Pacman sa suporta na pinaabot ni President Rodrigo Duterte sa kanya. Gusto raw ni President Duterte ay i-knockout ni Pacman si Vargas, pero hindi nga raw niya ito maipapangako.

“Pasalamat ako sa mensahe ni Pangulo. Nakaka-inspire ‘yung message niya at gagalingan ko.

“Hindi ako mag-promise but I will do my best to make the Filipino people happy, especially our beloved president.

“By God’s grace siguro. Gagawin natin lahat ng makakaya. Blessing ‘yan kapag napabagsak natin,” sey pa ni Pacman.

Mabilis nga raw na tinapos ni Pacman ang kanyang retirement sa boxing. Ang dahilan daw ay hinahanap-hanap raw ng marami ang pakikipaglaban niya.

“Ang hirap kasi na magdeklara ako ng pagretiro. Ang hirap sa pakiramdam kapag hindi ka pa handa.

“Parang nalulungkot ako kapag hindi na ako active sa boxing. I’ve been in boxing for more than 20 years. So parang nakagawain ko na ‘yung magdala ng karangalan sa ating bansa.

“Masaya ako na buong Pilipinas, buong sambayanang Pilipino ay nagkakaisa every fight. Isa ito sa mga nakagawain ko na hinahanap-hanap ko.”

The Pacquiao-Vargas match will be held on Saturday, Nov. 5 (Sunday, Nov. 6 PHL time) at the Thomas & Mack Center, University of Nevada, Las Vegas.

Balang special guest ni Ellen sa London

In-demand na talaga ang YouTube sensation at co-host ni Tom Rodriguez sa GMA-7 show na #Like na si John Philip Bughaw o mas kilala bilang si Balang.

Lumipad ito kamakailan sa London para maging guest sa Little Big Shots, isang kiddie talent program na produced ng TV host na si Ellen DeGeneres.

Unang naging guest ni Ellen si Balang noong 2014 sa kanyang talk show na Ellen dahil sobrang natuwa ang TV host sa killer dance moves nito sa mga YouTube videos.

Dalawang beses na pinabalik ni Ellen si Balang at ngayon ay siya ang napili para maging special guest sa binuo na show ni Ellen na Little Big Shots.

Nag-post nga si Balang ng kanyang mga poses sa Instagram habang nasa London siya. Bukod sa pagiging celebrity sa Pilipinas, isa na ring certified Zumba instructor si Balang.

Taylor Swift pinakamayamang singer ayon sa Forbes!

Kahit na inaatake ngayon si Taylor Swift ng maraming bashers, ngiti lang ang ganti niya sa mga ito dahil siya pa rin ang hinirang ng Forbes magazine bilang Highest-paid woman in music for 2016.

Bukod sa kanyang earning na umabot na sa $170 million, dagdag pa rito ang kinita niya na $200 million mula sa kanyang 1989 world tour sa North America.

Pinarangalan nga si Taylor ng first-ever Taylor Swift Award at the BMI Pop Awards noong nakaraang May.

Pumapangalawa kay Taylor ay ang British singer na si Adele na may earning na $80.5 million. Ang album niya na 25 ay ang biggest-selling album of 2015.

On the third spot ay si Madonna na ang kinita sa kanyang Rebel Heart world tour ay $170 million. May total earning of $76.5 million ang 58-year old singer.

Show comments