Paolo 16 movies ang tinaob, Best Actor sa Tokyo Filmfest

Paolo Ballesteros

Wow, Best Actor sa Tokyo International Film Festival si Paolo Ballesteros para sa pelikula niyang Die Beautiful.

Bukod pa ito sa napili ang pelikula na Audience Choice.

Ang Die Beautiful ay dinirek ni Jun Lana na malamang na maging official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

First time ni Paolo na magka-award at balitang ang akala ng grupo nina Direk Jun ay nakaalis na ito ng Tokyo. ‘Yun daw pala ay inilipat lang siya ng hotel ng organizer ng TIFF.

Ala-Julia Roberts ang hitsura ni Paolo. Nang rumampa siya sa red carpet ng nasabing filmfest ay nag-transform siyang Angelina Jolie.

Transgender ang role ni Paolo sa Die Beautiful na ang wish ay maging kamukha ni Katy Perry pag namatay.

Umabot sa 16 movies ang naglaban-laban at kasama ang Italian actor na si Valerio Mastandrea sa mga hurado ng TIFF.

Miss U 2016 madaling araw mapapanood

Grabe 5:00  a.m. mag-uumpisa ang coronation night Miss Universe 2016 na gaganapin sa bansa sa Janaury 30, 2017 live sa MOA Arena. Yup, wala nang urungan ang Miss U kahit may ilang grupong nag-protesta na ‘wag ituloy ang pagdaraos nito sa Pilipinas. Si Tourism Sec. Wanda Teo na ang nag-announce kahapon sa isang presscon.

Ini-adjust sa oras sa ibang pacific kaya mag-uumaga ang umpisa nito na mas maigi dahil hindi magkakaroon ng encounter sa traffic ang mga manonood.

At kahit kontra si Pangulong Duterte na si Steve Harvey ang mag-host nito, wala siyang choice dahil naka-kontrata raw ito sa Miss U Organization.

Kasama naman sa mga nagbunyi sa confirmation ng pageant sa bansa ay si 2015 Miss U Pia Wurtzbach. “I’m so excited to share with you all that, yes, the Miss Universe competition is indeed happening in the Philippines and I can’t wait to show you all my beautiful country,”  sabi niya sa isang video message.

Pang-third time na gaganapin sa bansa ang Miss U.

Andi at boyfie nag-anniversary na, Jaclyn tuloy ang giyera kay Jake

Lumutang na sa social media ang bagong boyfriend ni Andi Eigenmann. Pero walang banggit ng pangalan ng lalaki na binati niya ng ‘maligayang anibersaryo.’ Kung pang-ilang anibersaryo nila, sila lang ang nakakaalam. “You pulled me into your peace. Here’s to more endless summers with you. Maligayang anibersaryo. #YoAndI

May ilang mga picture na ang nasabing BF ni Andi sa kanyang IG account pero hindi clear. Shadow-shadow lang. Mukhang rakista ang lalaki na sa isang picture ay may naka-caption na “it was a sunshine on your shoulders kinod of fay.”

Nasa isang beach sila kahapon base sa mga litrato nila.

Habang abala pala si Andi sa BF, tuloy naman ang patutsahan nina Jake Ejercito at Jaclyn Jose patungkol sa anak nina Andi at Jake na si Ellie.

Pinay na bulag pinahanga ang mga hurado ng France has incredible talent

Nakakaiyak ‘yung nag-viral na video ng bulag na Pinay na binigyan ng standing ovation ng audience at iniyakan ng isang judge habang ang iba’y manghang-mangha sa France Has Incredible Talent.

Siya si Katchry Jewel Golbin, na kilala ring Alie­nette Coldfire, na kumanta ng French version ng I Dreamed a Dream.

Grabe, ang fluent niyang mag-French.

Siya ay 25 years old at taga-Capiz.

Dati nang nag-viral ang video ni Katchry ng birit niya sa kanta ni Mariah Carey na I’ll Be There.

 

Show comments