^

Pang Movies

Eula laging nagso-sorry kay Snooky!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Eula laging nagso-sorry kay Snooky!
Eula Valdez at Snooky Serna

Mas nauna pang umiyak si Eula Valdez kaysa kay Snooky Serna nang magpasalamat ito kay Marina Benipayo sa pag-aalaga nito sa mga anak nila ng dating asawang si Ricardo Cepeda.  Feel daw niya ang nararamdaman ni Snooky dahil isa rin siyang ina.  Kung dalawang babae ang anak ni Snooky, siya naman ay dalawang lalaki ang anak.  At inamin ni Eula na favorite actress niya si Snooky, simula pa nang mapanood niya ito sa Underage.

“Tapos parang napi-feel ko rin ang roles na ginagampanan namin ngayon ni Snooky sa Hahamakin Ang Lahat,” kuwento ni Eula.  “Best friends kami ni Snooky sa story, pero nawasak ang pagkakaibigan namin dahil sa isang lalaki, na ginagampanan ni Ariel Rivera.  Biro mo, iyong hinahangaan mong artista, aawayin mo at pahihirapan sa mga eksena.  Kaya after naming mag-take, sorry ako nang sorry sa kanya.”

Pero mali ang akala ng iba na TV adaptation ng Hahamakin Mo Ang Lahat movie na pinagsamahan noon nina Vilma Santos at Snooky ang afternoon prime drama na mapapanood na simula sa Lunes, October 31, at magtatampok din kina Kristoffer Martin at Joyce Ching. 

No sweat kina Kristoffer at Joyce ang pagganap sa more mature role at thankful pa na sila ang pinagtambal dahil once na silang na­ging mag-sweetheart at kahit naghiwalay na sila, naroon pa rin ang friendship at sweetness nila sa isa’t isa.

Christine thrice na na-dengue

Sina Maricel Laxa-Pangilinan, Christine Bersola-Babao at Paolo Abrera ang napiling Dengue Vaccine Advocates ng Sanofi Pasteur. Silang tatlo ay naging dengue victims.  Bago sila ipinakilala, nagpaliwanag muna si Dr. Lulu Bravo, president ng Philippine Foundation for Vaccination. 

Ayon sa kanya, 20 years ang ginugol nila sa research bago na-develop ang dengue vaccine. Pwede ang vaccine to kids from 9 years old pataas at sa mga adult up to 45 years old.

Si Maricel ay nagkaroon ng dengue noong teenager pa lamang siya at pangalawang beses noong kasal na siya kay Anthony Pangilinan.  Hindi malilimutan ni Maricel noong nag-travel siya sa Africa at nalaman niyang ang eldest daughter nila ay nagkaroon ng dengue. “You can’t imagine the agony I went through habang may sa­kit ang anak ko at malayo ako sa kanya.”

“Hindi biro na ma-dengue ka,” kuwento naman ni Christine. “Hinang-hina ka talaga, masakit mga buto mo, your nose and your gums will bleed.  Twice akong nagkaroon ng dengue when I was in high school, third one kasal na ako kay Julius (Babao).  Iyon huli. three weeks akong naospital, sabay kami ng sister ko.  Kaya kami ni Julius, natuwa nang magkaroon na ng dengue vaccine.”

Seven years ago pa lamang nang magka-dengue si Paolo, akala raw niya hindi siya magkakaroon nito dahil napaka-athletic niya.  “Yung bunso namin ni Suzi (Entrata) ang na-dengue and as a parent, it’s painful to see her suffering.”

Join the launch of the Wall Against Dengue campaign at the Glorietta Activity Center on November 4, to inspire people to protect themselves from dengue.

 

EULA VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with