Banned nang mag-guest sa isang TV show ang male celebrity dahil sa ginawa nitong pambibitin sa isang taping. Imbiyerna ang talent coordinator ng show dahil matino nga raw nilang nakausap ang male celebrity at ilang beses nilang nai-follow up ang guesting nito at panay ang “oo” nito. Pero pagdating sa araw ng taping ay no-show ito. As in, hindi man lang tumawag na hindi siya makakarating.
Nalaman na lang daw ng handler ng male celebrity ang ginawa nitong kapalpakan kaya ito na ang nagpaabot ng sorry sa buong staff ng talk show. Hindi raw kasi sa kanya ipinaalam ng male celebrity na may guesting ito sa naturang talk show. Sabi ng TC ng show, ang male celebrity na raw ang kakausap sa handler niya regarding sa guesting nito. Kung alam lang daw ng handler ay gagawa ito ng paraan para papuntahin ang alaga niya kesehodang may mga pinagdaraanan itong mga problema. Naikuwento nga niyang may personal problems ang male celebrity at idinadaan daw nito sa pag-inom ang kanyang mga nagiging problema.
Nagulat naman ang TC ng talk show dahil wala sa hitsura ng male celebrity na isa itong lasenggo. Kapag nakikita raw nila ito sa studio ay maayos itong kumilos. Pati nga raw magsalita ay walang bahid na naglalasing ito.
Naikuwento rin ng handler na maraming shows na ang ayaw kunin ang alaga niya bilang guest dahil nambibitin nga ito. Sa last minute ay bigla raw itong magba-backout kaya nawiwindang ang mga kausap nito.
Lagi raw problema ng male celebrity ang kanyang lovelife. Madali raw kasing ma-in love si male celebrity kaya madali rin itong masaktan kapag hinihiwalayan na siya. Kaya ang alak ang nagiging paraan niya para makalimutan nito ang mga problema niya. Kapag may hangover si male celebrity ay saksakan na itong bagal kumilos. Kahit late na itong dumating sa regular show niya kilos pagong pa rin ito.
Kaya ang handler niya ang siyang panay sorry sa ginagawang kapalpakan ng alaga niya.
Bida ng Divergent na si Shailene Woodley inaresto sa pagtatanggol sa karapatan ng Native Americans
Naging global news ang pagkakaaresto sa Divergent star na si Shailene Woodley dahil sa pakikipaglaban niya sa karapatan ng Native Americans.
Inaresto si Shailene noong nakaraang October 10 dahil kasama siya sa nagprotesta sa paglagay ng Dakota Access Pipeline. She pleaded not guilty to criminal trespass and engaging in a riot.
Gumawa ng isang essay ang aktres para sa Time Magazine tungkol sa kanyang pagkakaaresto. Gusto niyang malaman ng marami na may katuturan ang kanyang ipinaglaban at ikinulong siya para rito.
Nirerespeto ni Shailene ang kultura ng mga Native Americans at nais niyang gawin din ito ng marami.
Heto ang parte ng kanyang isinulat: “We wear their heritage, their sacred totems, as decoration and in fashion trends, failing to honor their culture. Headdresses, feathers, arrows. Moccasins, sage, beadwork. You know what I’m talking about, Coachella. Walking around the flea market this weekend, I can’t even tell you how many native references I saw being used in a way that feeds our western narrative.
“We grow up romanticizing native culture, native art, native history...without knowing native reality.
“Treaties are broken. Land is stolen. Dams are built. Reservations are flooded. People are displaced. Yet we fail to notice. We fail to acknowledge. We fail to act.”
Matapang nitong ipinaglalaban ang karapatan ng Native Americans kahit pa hindi siya isang native. Hindi raw siya takot at masaya siyang mapabilang sa grupong isinusulong ang karapatan ng mga ito.