Guess kung sino sa mga maituturing na hunky actor in the true sense of word, ang pumayag para gumanap na bakla, which seems to be the norm today among actors who consider themselves straight in the true sense of the word, kumbaga.
Well, walang iba kundi si JC de Vera, in HF Yambao’s Best Partee Ever, gaganap si JC na isang discreet gay na napasama sa illegal drug trade.
Ang pelikula ay official entry sa Circle Competition of the QCinema International Film Festival 2016.
Excited daw siya sa kanyang role at meron din siyang kissing scene sa isang kabaro.
Makakasama ni JC sa pelikula sina Mercedes Cabral, Jordan Herrera, Kristoffer King, Tony Fabian, at Odette Khan.
Best Partee Ever is scheduled to be show starting tomorrow, October 18, in selected theaters in Metro Manila.
Kathryn papalitan na ni Andrea sa pagiging Teen Queen?!
Former child actress Andrea Brillantes reported wish for herself is to be the next Teen Queen.
Na posibleng mangyari dahil ang kasalukuyang Teen Queen na si Kathryn Bernardo ay malapit nang ‘mamaalam’ sa kanyang trono, since, tulad ng kanyang ka-tandem na si Daniel Padilla, the reigning Teen King naman, will soon bid her teen years.
Kasama si Andrea sa serye ng KathNiel na Pangako Sa ‘Yo.
Ka-love team niya sa series sina Grae Fernandez at JK Labajo.
Come to think of it, sino kaya sa dalawang ito ang magiging Teen King?
Piolo ayaw muna magseryoso ang anak sa babae
Hindi naman pala pinipigilan ni Piolo Pascual ang anak na si Iñigo who is now 19 years old, na manligaw, kumbaga. Ang ayaw lamang niya ay ang seryosohin na ni Iñigo ang pakikipagrelasyon, considering nga naman that he has not proven yet anything where his career is concerned.
Ang usapan daw nilang mag-ama ay magtatapos muna ng college si Iñigo. Ito raw kasi ang labis na pinanghihinayangan ni Piolo. Ang maka-graduate sana siya ng college.
Kasalukuyang nali-link si Iñigo sa GirlTrend member na si Kelly Day, na ayon sa kanya ay kaibigan lang.
Sasamahan ni Iñigo ang kanyang ama sa Sunpiology Run: Sugar Wars, na twin advocacies ni Piolo para sa education and diabeties awareness.
The event will be held November 19 (Saturday), by sunset, at Camp Aguinaldo in Quezon City.
Expected to join the fun run are close to a hundred Star magic celebrities, like Piolo and Iñigo.
Sa after show ay may launch din si Iñigo para sa kanyang debut album featuring ang Go Well single ng Sun Life.
Kahit tatlong eksena lang, Cherry Pie importante sa Third Party
Pinatunayan ni Cherry Pie Picache, sa kanyang role bilang estranged mom ni Angel Locsin sa kasalukuyang showing movie ng Star Cinema, The Third Party, na walang small role para sa isang excellent actress.
Sa The Third Party, na tinatampukan din nina Sam Milby at Zanjoe Marudo, halos sa tatlong scene lang lumabas si Cherry Pie. Ito ‘yung umuwi ng bahay si Angel pagkatapos nilang magkatampuhan.
Maliit man ang kanilang eksena, still maituturing ito na naka-contribute para magkaroon ng ‘puso’ ang pelikula. Kahit pa hindi nagkaroon ng eksenang nakasama ni Cherry Pie sina Zanjoe at Sam.
First time together na magkakasama sa isang movie sina Zanjoe, Sam, at Angel. And no doubt, they look good together. Kahit pa ang mga role na kanilang ginagampanan ay talagang iba kumpara sa mga dati nilang ginampanan.
Written by young writers Patrick Valencia and Charlene Sawit-Esguerra, The Third Party marks the first mainstream movie of film director, Jason Paul Laxamana.