Masyado sigurong mabigat ang betlog ng poging batang aktor or baka conscious lang siya. Kahit kasi nasa harap ng mga tao, fans o kamera, sinasapo niya ang nasa dakong paroon.
Ok lang siguro kung unintentionally niya itong ginagawa, e, naku, madalas niya itong drama! Ewan ba namin at enjoy pa nga yata siya.
Naku, bata ka! Tantanan mo ’yan. Kadyahe ka!
Mark Anthony hindi tinatalikuran ng fans
Na-sight ng utol kong si Eddie ang Police Station 6 ng Angeles City Jail kung saan unang ikinulong si Mark Anthony Fernandez. Para raw may event dahil madami ang tao na halatang mga tagahanga ng gwapong binatang anak nina Alma Moreno at Rudy Fernandez. Halos araw-araw daw siyang dinadalaw ng ina at dinadalhan ng masasarap na lafang. E, alam naman ninyong ’yan ang unang kailangan ng mga preso sa kulungan dahil tiyak na maninibago sila.
Pero ang tingin namin, prayers ang talagang kailangan ni Mark. Hindi rin naman naging masamang tao si Mark.
Hopefully, mabigyan siya ng chance dahil sayang naman kung masisira ang kanyang future ng ganoon-ganoon na lang. St. Michael, The Archangel guide and bless Mark Anthony.
High profile inmate na si Jaybee Sebastian maraming nakakakilala
Sa totoo lang, sikat na sikat ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian. Parang artista, e, halos buong araw siyang nakaharap sa mga respetadong government officials at sandamakmak na kamera ang nasa paligid niya noong siya ay tumestigo ukol sa kasong drug and money vs. Sen. Leila de Lima.
Halatang pinaghandaan niya ang pagharap sa kongreso, inalis ang balbas, pati ‘yung tirintas ay waley na. In other words, clean and papogi na siya. Kilala ko si JBS personally. Hindi pa putok ang balita o issue sa drugs sa Maximum Compound, BuCor. Mabait, marespetong tao, at talagang kilala siyang astig sa Maximum.
E, hindi siya barumbado, siguro destiny niya lang na makulong sa New Bilibid Prison, tao lang naman siya at kung anuman ang dahilan ng pagkakakulong niya ay ipinauubaya ko na lang sa kanya at tanging si God na ang nakaaalam kung ano pa ang darating sa kanya. Basta huwag lang siyang bumitaw kay Lord Jesus. Kahit sino pa siya, kahit makasalanan pa, dapat lang magdasal at humingi ng tawad at patatawarin Niya. God is good, all the time!