Sugatan sa gunting na ginamit Mark Anthony nagtangkang magpakamatay

Oh my God, nagtangka palang magpakamatay si Mark Anthony Fernandez.
Kasalukuyang nakakulong ang actor sa Pampanga Provincial Jail matapos itong mahulihan ng isang kilong marijuana sa isang check point sa Pampanga kamakailan.
Balita ng source kong nanggaling sa Pampanga, buti na lang daw at mapurol ang gunting na ginamit ni Mark kaya hindi ito natuluyan. Pero marami raw itong sugat-sugat.
Ito ay bukod pa sa nababalitang unstable ang blood pressure nito kaya tinututukan siya ng mga bantay sa Pampanga Provincial Jail.
Ito marahil ang dahilan kaya hindi na umaalis ang ina niyang si Alma Moreno sa Pampanga at nabalitang nagrenta na ito ng bahay doon.
Jiro nagkalaman na!
Maayos na maayos na ang aura ni Jiro Manio base sa picture na ipinost ni AiAi delas Alas kahapon.
Si AiAi ang guardian ngayon ng actor na nalulong sa bawal na gamot pero naagapan at nadala agad sa rehab center ni Ms. Ai kaya bago pa man maghulihan, naisalba na siya ng komedyana. “Nabisita ko din ang aking anak... at sya ay buhay na buhay.... i miss you anak,” sabi ni AiAi kahapon sa kanyang Instagram account.
Medyo nagkalaman na rin si Jiro base sa video na posted din ni AiAi. Makikita rin sa nasabing video na sumasayaw si Jiro.
Pakalat-kalat noon sa airport ang batang aktor nang desisyunang tulungan ni AiAi at ipa-rehab. Nang maging maayos ito ay inilabas niya pero muli umanong binalikan ang bisyo kaya ibinalik sa facility sa isang probinsiya ang batang aktor.
Si AiAi pa rin ang nagso-shoulder sa lahat ng gastusin sa nasabing facility at hindi raw ‘yun cheap. Nabanggit ng komedyana sa isang previous interview na mas importante na gumaling ang naging isa sa mga anak niya sa pelikulang Tanging Ina bago isipin ang gastos.
Kung hindi siguro siya dinampot ni AiAi malamang na-tokhang na siya.
- Latest