^

Pang Movies

Kinakalaban na si Duterte?! Robin humirit na gawing legal ang marijuana

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May laman ang statement ni Robin Padilla sa pagkamatay ng character actor na si Dick Israel. Inamin niyang humihingi iyon ng tulong para sa medical marijuana, pero sinabi ni Robin na iyon ay hindi niya naibigay sa kanyang kaibigan dahil ipinagbabawal pa nga ng ating mga batas.

Kasunod noon ay may suggestion si Robin na kailangan daw na rebisahin na ang batas para mapayagan na ang gamit ng marijuana bilang gamot dito sa ating bansa.

Si Mark Anthony Fernandez, na alam naman nating pamangkin din ni Robin ay nakakulong ngayon sa provincial jail ng Pampanga sa San Fernando dahil nahulihan din ng isang kilong marijuana na sinabi niyang ginagamit niyang gamot laban sa cancer.

Sa ilang mga bansa, legal na ngang ginagamit bilang gamot ang marijuana sa ilang uri ng sakit, pero iyan ay isang regulated treatment. Ibig sabihin magagamit lamang sa ilalim ng supervision ng isang doctor. Hindi puwedeng basta ka na lang humithit ng marijuana nang ganoon-ganoon lang. Isa pa, sinasabi nga nila na may isang component ang marijuana na maaaring laban sa cancer, pero maraming iba pang component ang nasabing halaman na maaaring makapagbigay ng hindi magandang epekto sa tao. Kaya nga iyan ay kailangang ibigay sa ilalim lamang ng supervision ng isang doctor.

Dito sa atin, mapapayagan iyan kung sasabihin ng isang doctor sa DOH kung bakit kailangan iyon ng kanyang pasyente at pangangatawanan niya ang supervision. Kung kailangan talaga iyon noon ni Dick Israel, dapat inilapit nila ang kaso sa isang espesyalistang doctor na nalalaman kung papaano ang gagawin para magamit iyon sa isang “supervised treatment” at tiyak papayagan iyan ng DOH.

Ikinakampanya ni Robin na dapat pag-aralan ng kongreso ang pagiging legal ng marijuana.

Palagay namin sa ngayon ay malabo pa iyan. Ang gobyerno ay puspusan ang kampanya laban sa droga, at kabilang ang marijuana sa sinasabing “dangerous substance”.

Susnhine rumesbak sa mga tumatawag sa kanyang boldstar

May isa na namang basher sa internet na tinawag si Sunshine Cruz na “dating boldstar”. Natural na sinagot iyon ng aktres. Una siguro kasi may ideya naman siya kung sino ang basher na iyon na paulit-ulit talagang tinatawag siyang “boldstar” sa social media.

Una, kailangan sigurong mai-define kung ano ang bold star. Ang isang bold star ay gumagawa ng mga pelikulang daring, at ang target audience ay iyong mga mahihilig na mamboso. Maski kailan naman hindi gumawa ng ganoong pelikula si Sunshine, sa natatandaan namin. May mga nagawa siyang pelikulang may mga eksenang sexy, pero hindi sex stories ang tema ng pelikula. Mukha ngang unfair at may himig ng paninira iyong pagtawag sa kanyang isang bold star.

Hindi naman siguro masasabing nagagalit talaga kundi “naiirita” lamang si Sunshine kaya kung minsan ay napapatulan niya ang mga basher. Madalas pumapatol siya sa bashers kung idinadamay sa usapan ang kanyang mga anak. 

DICK ISRAEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with