^

Pang Movies

Mark Anthony inulit lang ang ginawa ni Robin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa tingin namin, maayos naman ang treatment kay Mark Anthony Fernandez kahit na siya ay sinampahan nga ng mabigat na kaso at hindi makapag-bail. Hindi siya isinama sa common na kulu­ngan. Inilagay siya sa isang bakanteng selda na dapat daw ay ginagamit ng mga detainees na babae. May higaan naman siya, may electric fan, at may sariling CR. Iyon lang ganu’ng treatment ay ayos na, at least hindi siya kasama ng karamihan.

Pinapayagan din siyang dalawin ng kahit na sino. Dinalaw na siya ng kanyang inang si Alma Moreno, ng kanyang live in girlfriend at iba pang kaibigan. Iyon nga lang, kagaya ng iba ay kailangang within visiting hours. Ang abogado lang niya ang maaaring magpunta sa kanya anumang oras.

Mabuti rin at nakilala siya nang magpahabol siya matapos masita sa checkpoint dahil kung naiba-iba iyon, baka kung ano na ang nangyari. Kaya nga ipinapayo namin na kung kayo ay masisita sa checkpoint, huwag ninyong tangkaing balewalain iyon.

Ang paghaharap sa kanya sa media, palagay namin ay para mapagbigyan na lang ang lahat ng media men na dumayo. Kung ano man ang sinabi niya, hindi ito gagamitin sa kaso. Ito ay usapan lamang para maipakita rin siguro sa media na walang foul play sa paghuli sa kanya.

Tama si Robin Padilla, dapat ngang ipag­pa­sa­lamat ang nangyaring iyon sa kanya, na maganda pa rin ang treatment ng pulisya. Talagang mahigpit ang pulisya sa Angeles. Kung natatandaan ninyo, diyan din nahuli si Robin noon. Sinubukan din niyang takbuhan ang check­point. Nahuli rin siya at nakulong. Hindi naman natin dapat takutin si Mark na habambuhay na siyang makukulong. Ti­ting­nan pa naman ng korte kung gaano nga ka­bigat ang kaso niya. Kung sakali man, matino naman si Mark at naniniwala ka­ming bibigyan siya ng consideration.

Ang masakit nga lang, laman siya ng balita araw-araw at hindi maganda para sa career at mga anak niya.

Sumuko na kayo!

Maganda ang reaksyon ni Rez Cortez. Nanawagan siya sa ibang mga artistang gumagamit ng droga bilang presidente ng Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon

(KAPPT). Sinabi niyang ang mga gumagamit ay mabuting sumuko na at tutulungan nila ang mga ito sa rehab. Kung magkakatulungan nga naman, maiiwasan ang eskandalo, makakapag-rehab sila nang maayos at maaari nilang balikan ang kanilang career pagkatapos. Kung hihintayin pa nilang mahuli sila, masisira ang kanilang image sa publiko.

Ang isa pang posibilidad, maaaring magtungo sa abroad at doon sumailalim ng rehab. Marami na ang gumawa niyan noong araw pa. Maiiwasan ang nakakasirang eskandalo.

Ngayon ay talagang nakakaalarma na ang sitwasyon na nahuhuli talaga ang mga artistang sangkot sa droga at ang nangyayari, sila pa ang nagbibigay ng lead kung sino pa sa mga kapwa nila artista ang sangkot din. Kaya may listahan na ang pulisya ng mga artistang addict. Huwag nang hintayin na may kumatok pa sa bahay ninyo.

Tama si Rez.

Mas malaki ang mawawala sa kanila kung malaman pa ng lahat na sangkot sila sa droga, sabihin mo mang user lang o pusher, pareho rin iyon.

Hindi na dapat magmatigas o magmalinis. Aminin na ang totoo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with