^

Pang Movies

Xian nanghinayang, Kim umatras sa balikan nila ni Gerald

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Nanghihinayang pala si Xian Lim, kung totoo raw na hindi matutuloy ang supposed reunion nina Kim Chiu at ng kanyang dating reel and real life sweetheart na si Gerald Anderson sa series na Because You Love Me. The project, after all, he heard daw, will also include Jake Cuenca in the cast. Eh, magaling na aktor din daw si Jake.

Walang ideya si Xian kung bakit reportedly nag-back out si Kim sa soap.

Bagay pa naman daw si Kim sa role dahil kailangan ay swimmer ang leading lady.

Sa katatapos lang na serye nina Kim at Xian na The Story of Us, marami silang eksena na lumalangoy.

Ang original sa role na gagampanan sana ni Kim ay si Yen Santos, na hindi raw marunong lumangoy, kaya siya natanggal sa cast.

Ito’y bukod na Yen is busy finishing her scenes for the mo­vie, Once In A Lifetime, kunsaan makakatambal niya sa unang pagkakataon si Piolo Pascual.

Once In A Lifetime is a Regal Entertainment presentation na kinunan pa sa New Zealand.

Humayo ni Charo naka-lineup sa BFI London filmfest!

Guess what’s next for Lav Diaz’ Ang Babaeng Humayo, (The Woman Who Left), na pinagbibidahan ni former ABS-CBN President and CEO and currently the network’s content officer, Charo Santos-Concio na nanalo ng Golden Lion Award sa katatapos na Venice International  Filmfest?

Well, the film, a production of Cinema One Originals and Sine Olivia Films, has been added sa lineup ng 60th Britain Film Institute (BFI) London Film Festival sa United Kingdom na gaganapin sa October 5 to 6.

Distributed by Star Cinema, Ang Babaeng Humayo will be shown in cinemas nationwide starting on September 28.

The film also stars John Lloyd Cruz, Michael de Mesa, Shamaine Centenera-Buencamino, Noni Buencamino, Mae Paner, Kakai Bautista, at Kyla Domingo.

Jana at Marco, makikigulo sa Goin’ Bulilit

Parte na ng  Goin’ Bulilit sina Jana Agoncillo at Marco Masa.

Huling napanood si Jana sa Ningning kunsaan siya ang bida. Kasama rin sa serye sina Beauty Gonzales, Ketchup Eusebio,. at Sylvia Sanchez, among others.

Kasalukuyang nagsu-shooting si Jana para sa Mano Po 7: Chinoy, kunsaan gaganap siyang bunso ng mga pangunahing tauhan ng pelikula na sina Richard Yap at Jean Garcia.

Nakatatandang kapatid niya sina Enchong Dee at Janella Salvador.

Si Marco naman ay napanood na sa isang episode ng Wansapanataym. Siya rin ang bida sa ser­yeng Nathaniel.

Seiko Films producer na si Robbie Tan nanggulat sa birthday ni Bong

Halos lahat ay nasorpresa sa presence ng dating Seiko Films producer na si Robbie Tan sa 50th birthday celebration ni former Senator Bong Revilla.

He looked fit and trim. Although, ayon sa kanya, for a time, natuklasang may cancer siya. Mabuti na lang daw at stage one pa lang ito kaya naagapan ito.

Gayun pa man daw, kailangan niyang mag-chemotherapy.

Sayang at hindi namin naitanong kung may balak ba siyang muling mag-produce ng pelikula. Matatandaang sa kanyang film firm nagsimula bilang artista sina Rita Avila, Gretchen Barretto, Rey “PJ” Abellana, Jestoni Alarcon and Senator Bong’s younger sister, Princess Revilla.

Bong namayat pero bumata ang hitsura

Of Senator Bong, medyo pumayat din siya at bumata ang hitsura sa edad na 50.

Of course, dalangin ng lahat ng mga dumalo sa party, which his family headed, of course, by his actress-wife and now Bacoor Mayor Lani Mercado, and friends, organized na makalaya na siya at ang kanyang kaibigan na si Jinggoy Estrada sa pagkaka-detain sa PNP Custodial Center.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with